^

Ending ng Temptation… pinag-aawayan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 22, 2013 - 12:00am

Hala, nag-aaway-away na ang Team Marceline (Marcel at Angeline) at Team Nigeline (Nigel at Angeline) sa top-rating primetime show ng GMA 7 na Temptation of Wife nina Marian Ri­vera, Dennis Trillo, at Rafael Rosel.

Pero hindi maganda na nagpo-post sila nang mali. Like sa Pinoy Exchange (PEX) nag-post sila, na alam mong maka-team Nigeline, na ginamit pa nila ang head writer ng soap at sinabing ka-text ito ng isang “PEXer” at ikinuwento na raw na sina Angeline at Nigel ang magkakatuluyan at ikinasal pa sila. 

Nakausap namin ang creative director ng soap na si Jun Lana at sinabi niyang hindi pa nila pinag-uusapan kung ano ang magiging finale nila. Aware raw sila na may dalawang team na ng fans pero ang mga susunod pa lamang episodes ang pinag-uusapan nila. 

LT wala nang effort umiyak

Balik-taping na si Lorna Tolentino ng Pahiram ng Sandali matapos makapahinga sa sunud-sunod na crying scenes niya pero mukhang malabong hindi na siya iiyak sa mga susunod pang eksena. 

Natanong tuloy si Lorna kung sa personal ba niyang buhay siya humuhugot ng acting niya. Like iyong namatay sa story ang asawa niyang si Phillip (Christopher de Leon), kinuha ba niya ang emotions niya noong pumanaw ang asawa niyang si Rudy Fernandez in 2008?

 â€œHindi na,” sagot ni LT.  “Based na lamang sa script ang acting ko dahil magkaiba naman ang nangyari. Kapag may eksena na lamang na bigla akong iiyak na wala namang pinanggalingan sa story, hinuhugot ko na ito sa personal experience ko.”

Drew makiki-bonding sa mga Mangyan

Kung magpakasal na kaya sina Drew Arellano at Iya Villania, isama kaya ni Drew ang girlfriend sa travel show niyang Biyahe ni Drew para sa kanilang honeymoon? Mga magagandang lugar kasi sa Pilipinas ang pinupuntahan ni Drew.

Tulad mamaya, at 10:00 p.m. sa GMA News TV, pupunta siya ng Sablayan, Mindoro na makikipag-bonding muna siya sa Mangyan Community bago siya pumunta sa iba pang makasaysayang lugar doon.

 

 

DENNIS TRILLO DREW ARELLANO IYA VILLANIA JUN LANA LORNA TOLENTINO MANGYAN COMMUNITY MARIAN RI NIGEL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with