Valerie napiga sa magagaling na artista
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - December 1, 2012 - 12:00am

Nagkaroon ng press preview ang Flames of Love na prodyus ni Baby Nebrida at maganda at makabuluhan ang kabuuan ng istorya dahil nakasentro ito sa family values at higit sa lahat sa mensaheng ang anumang problema ay nalulusutan kapag may pananampalataya sa Diyos.

Magagaling ang mga artista sa pangunguna ni Dina Bonnevie, Rep. Lani Mercado, at Christopher de Leon gayun din si Valerie Concepcion. Lumutang ang akting nito at hindi nilamon sa eksena ng mga premyadong artistang sina Dina, Boyet, at Ricky Davao.

Sabi nga ni Val, ‘‘Napiga ang akting ko at kailangang mailarawan ko ang makatotohanan ang karakter na ginampanan. Nakakabata ng puso dahil binati ako ng entertainment press na nakapanood ng Flames of Love.”

Pahinga muna sa pag-ibig ang aktres after ng break-up nila ng basketbolistang si Dondon Hontiveros. Naka-focus naman siya sa trabaho dahil malaki na ang anak niyang si Fiona.

Alvin Anson natakot kay Sen. Bong

Nakailang take rin ang halikan nina Alvin Anson at Cong. Lani Mercado sa Flames of Love bilang dating lovers na itinuloy ang relasyon kahit may-asawa na si Lani sa pelikula.

Hirap na humalik si Alvin at halos ayaw igalaw ang mga labi dahil natatakot kay Sen. Bong Revilla, Jr. Sinabihan siya ni Lani na gawin nila ng maganda ang eksena at wala namang dapat ikatakot sa kanyang asawa.

Palabas na ang Flames of Love sa Dec.12 sa direksiyon ni Gigi Alfonso.

Paranormal Activity 4, kumita

Lahat ng pelikulang ipinalabas last week ay kumita sa takilya gaya ng Breaking Dawn Part 2, 24/7, at kahit ang horror movie na Paranormal Activity 4 na ayon sa feedback ay ito na ang pinaka-nakakatakot sa lahat ng series.

Sa makabagong panahon kinunan ang ilang eksena gaya ng stationary cameras, K-inect, at laptop camera na nakadagdag sa nakakatakot na mga eksena.

Palabas pa rin ang pelikula hanggang ngayon mula sa Solar-UIP.

 

ALVIN ANSON BABY NEBRIDA BONG REVILLA BREAKING DAWN PART DINA BONNEVIE DONDON HONTIVEROS FLAMES OF LOVE GIGI ALFONSO LANI MERCADO PARANORMAL ACTIVITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with