^

Punto Mo

‘Suspicious death’ sa NBP, pinatututukan ng DOJ secretary

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NALAGAY muli sa balag ng alanganin ang Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa sinasabing ‘suspicious death’ ng ilang inmates sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ngayon ang pinatututukan ng bagong kalihim ng Department of Justice Jesus “Crispin” Remulla.

Partikular dito ang pagkasawi ng mga high profile na bilanggo, na sinasabing pawang COVID ang dahilan.

Kamakailan lang kasi nang magsampa ng kasong murder ang National Bureau of Investigation (NBI) sa may 22 mga doktor at tauhan ng National Capital Region Office (NCRPO) ng PNP.

Makontrobersiyal ang natuklasan ng NBI sa isinagawang pagkamatay ng ilang inmates.

Nagsimula kasi ito noong 2020 sa kasagsagan ng pandemic ng COVID -19 sa bansa nang iulat ng Bureau of Corrections ang pagkamatay ng may 22 bilanggo kabilang ang siyam na high-profile convicts kasama si Jayvee Sebastian.

Hindi nga ba’t isa si Jayvee Sebastian sa tumestigo kay dating Sen. Leila de Lima na isinasangkot sa ilegal na droga.

Sa ulat ng BuCor, nasawi si Sebastian dahil sa COVID.

Habang binubusisi ito, doon na rin umano natuklasan ng NBI ang iba pang ‘misteryosong’ pagkamatay ng ibang inmates na sinasabing dahil sa COVID.

Sa pagbusisi, sinasabing maraming ‘butas’ ang nasilip ng NBI. 

Maraming discrepancy sa ulat ng pulisya.

Kabilang nga rito ang umano’y paglilipat sa may walong high profile inmates at di naglaon ay nasawi sa sinasabing isolation room’.

Ang walo ay sentensiyado sa kaso ng droga.

Wala umanong nakitang anumang sintomas ng COVID sa mga nasawi bago sila pumanaw.

Pero wait lang, dapat din namang marinig ang panig ng BuCor na nanindigan na hindi kailanman nila ginamit na cover-up ang COVID-19 sa insidente ng pagkamatay ng mga preso.

Mabigat nga naman  paratang ito, na dapat talagang mabigyan ng masusing pagbusisi.

Kaya daw patunayan ng BuCor na dahil sa virus ng COVID ang sanhi ng kamatayan ng mga naturang mga bilanggo.

Aantabay tayo sa magiging resulta ng mas malalim pang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with