^

Punto Mo

Ginger (37)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘ANONG masasabi mo Ginger? Sa palagay mo, tama ang nasabi ko na kapag baby girl ang isisilang ay maganda ang ina?’’ tanong ni Anton.

‘‘Hindi ko alam Sir. Ngayon ko lang po narinig ang ganun.’’

‘‘Talaga? Hindi mo narinig ang ganun?’’

‘‘Opo.’’

‘‘Kasabihan na ‘yun na kapag maganda ang ina sa panahon ng pagbubuntis, tiyak na maganda ang baby.’’

‘‘Ngayon ko lang po nalaman ang ganun, Sir.’’

‘‘E di may napulot kang kaalaman sa akin, ha-ha-ha!’’

Nagtawa si Ginger at nakitawa si Marie.

‘‘Kaya malalaman natin kung totoo ang sinabi ko kapag nagpa-ultra sound si Marie.’’

‘‘Wala po akong magpa-ultrasound Sir.’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Gusto ko pong masorpresa kung ano ang anak ko.’’

‘‘Sabagay. Pero maniwala ka sa akin, babae ‘yan dahil maganda ka.’’

‘‘Salamat Sir sa papuri. Meron nga po pala akong sasabihin sa inyong dalawa ni Ginger.’’

‘‘Ano ‘yun?’’

‘‘Kukunin po kitang ninong ng baby ko at ninang naman si Ginger.’’

Napahagalpak ng tawa si Anton.

‘‘Ninong ako? Aba masuwerte ang batang ‘yan. Paglaki baka manedyer din na katulad ng ninong, ha-ha-ha!’’

Nakitawa si Ginger.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with