^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (180)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI siya naniniwalang tomboy si Mira. Mali ang hinala ni Lincoln sa anak. Iba ang kilos ng tomboy. Nakikita niya ang mahinhing kilos ni Mira. Babaing-babae. Walang bahid ng katomboyan si Mira.

Masyado lang sigurong nagulat si Lincoln sa biglang pagpapaikli ng buhok ni Mira. Hindi siya sanay sa ganoong itsura ng anak.

Ipinagpatuloy niya ang panonood ng TV at inalis ang pag-iisip kay Mira.

KINABUKASAN,  nagkakape si Reagan nang ­ biglang tumawag si Bino.

“Manedyer, ibinibenta ang katabing palayan, nagtungo kahapon ang may-ari baka gusto mo raw. Kailangang-kailangan daw ang pera.’’

“Ilang ektarya Bino?’’

“Dalawang ektaryang tubigan, Manedyer.’’

‘‘Magkano raw?’’

“2-M daw Manedyer.’’

“Maganda ba ‘yan?’’
‘‘Maganda Manedyer. Umaani ng 300 kaban. Malinis na malinis ang tubigan. May source pa ng tubig.’’

‘‘Sige bilhin ko. Puntahan mo ang may-ari at baka kung kanino pa maibenta. Darating ako bukas. Dala ko ang pera.’’

“Sige Manedyer. Hindi tayo lugi sa lupang ‘yun.’’

‘‘Sige bukas na lang Bino.’’

Kinagabihan, nagpaalam si Reagan kay Mira at Lincoln na uuwi sa farm.

“Sayang gusto ko sanang sumama, Reagan pero may naka-eskedyul akong check-up sa doktor,’’ sabi ni Lincoln.

“Di bale. Sa sunod ka na lang bumawi. Dadalhan ko na lang kayo ng prutas.’’

“Sige Reagan. Gusto ko lansones at mangosteen,’’ sabi ni Mira.

“Okey magdadala ako.’’

KINABUKASAN, nasa farm na si Reagan.

“Akala ko isasama mo sina Mira, Manedyer.’’

“Hindi. May lakad sila.’’

“Naghanda pa naman ako ng tuba para kay Sir Lincoln.’’

“Sabi ko sa sunod na lang sila bumawi.’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with