^

Punto Mo

Eleazar, pabor sa panukala ni Sara na military service!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

IMBES na maubos ang kanilang oras sa mga palaro sa gadgets tulad ng DOTA, sa palagay ni senatorial aspirant ex-PNP chief Guillermo Eleazar na dapat ang mga kabataang Pinoy ay dumaan sa military service para matuto sila sa disaster response. Kaya pabor si Eleazar sa panukala ni vice presidential bet Sara Duterte na gawing mandatory sa lahat ng Pinoy, na 18 years old, na dumaan sa military service. Alam n’yo naman mga kosa na ang Pinas ay typhoon belt o nasa “Ring of Fire” kaya malalakas na bagyo at iba pang sakuna ang tumatama sa bansa. Kaya sa military service, nais ni Inday Sara na matuto ang mga kabataan sa disaster response para mabilis matugunan ang pagresponde sa mga sakuna at bagyo, tulad ng Yolanda na tumama sa Central Visayas noon.

Tinitiyak ni Eleazar na maging ang mga kabataan ay interesadong ma-experience ang military service tutal mahilig naman sila sa mga popular na online games patungkol sa makaluma at modern warfare, tulad ng DOTA, COD at MOBA. “Sa palagay ko ay mas magandang hamon ang military service lalo na sa mahilig mag-DOTA, Call of Duty (COD) at MOBA (Multi-player Online Battle Arena). Dito sila mabibigyan ng first-hand experience kung ano ang buhay ng mga sundalo o warrior,” ani Eleazar. Mismooooo! Hihihi! Dagdag kaalaman o madisiplina ang mga kabataan sa military service, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!

Maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagsasabing maraming advantages sa gobyerno itong proposal ni Sara. Aniya, kapag nasanay sa military service ang mga kabataan, aba puwede silang magsilbing pool of reservists para depensahan ang bansa. Magagamit din ang kabataan sa humanitarian at disaster response. At higit sa lahat, itatanim ng military service sa isipan ng mga kabataan ang pagmamahal sa Pinas. Subalit inamin ni Lorenzana na itong proposal ni Sara ay nangangailangan ng madaming resources at manpower, lalo na sa aspetong paghahanda ng mga pasilidad para sa military training, na sinang-ayunan ni Eleazar, na tumatakbo sa pagka-senador sa Partidong Reporma.

“Naniniwala ako na dapat munang paghandaan ito pagdating sa mga facilities na gagamitin sa training ng libo-libong mga kabataan Pilipino,” ang giit ni Eleazar. Siyempre, inaasahan naman na may mag-iingay t’yak dito sa proposal ni Sara, di ba Walden Bello Sir? Hihihi! Mag-iingay din t’yak ang Makabayan bloc sa panukala na ito ni Sara dahil malulusaw t’yak ang madaming plano nila, lalo na ang pag-recruit ng kabataan sa kanilang hanay. Mismooooo! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Nanawagan si Eleazar na kapag inumpisahan itong panukala ni Sara na military service para sa kabataan, hindi dapat ito gawing sapilitan at sa halip ay magbigay ang gobyerno ng insentibo para sa lahat ng may gustong sumali sa programang ito. “Maganda ang panukalang ito dahil bukod sa hindi natin alam ang maaring mangyari sa hinaharap, magsisilbi itong daan para sa komprehensibong training na kailangan ng bawat mamamayan lalo na sa disaster response na taon-taong nating kinakaharap,” ang dagdag pa ni Eleazar.

Hihihi! Anong sey n’yo mga kosa! Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with