^

Punto Mo

‘Package’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MINSAN, naiwan sa bahay si Lola Miling (malabo ang mata) at si Tiya Garda (bingi). Si Lola ang may-ari ng bahay samantalang si Tiya ay bumibisita lang.

Habang nagkukuwentuhan sa azotea sa second floor ang isang malabo ang mata at bingi, may dumating na bisita.

“Tao po! Lola Miling!”

Si Lola Miling ang nakarinig. “Garda, silipin mo nga kung sino ang nagta-tao po sa ibaba.”

Bahagyang sumungaw sa azotea si Tiya Garda. Kinilala ang tumatawag.

“Ay, hindi ko kilala. Lalaki, may bigote. Teka bababa ako at papapasukin ko.”

“Aba’y huwag! Marami na ngayong magnanakaw dito sa atin at ang tinatarget ay yung mga walang kasamang lalaki sa bahay. Alam mo bang kahit katanghaliang tapat ay namamasok ng bahay ang mga walanghiya. Aalamin ang pangalan ng mga nakatira sa bahay para kapag tinawag ang pangalan ng mga residente ay pagkakamalan mong kakilala ang nagtatao po.”

“Ay, ganun baga?”

“Hayaan mong magtao po, mangangawit din iyan at aalis.”

Tumigil sandali ang lalaki pero nagtao po ulit.

“Lola Miling, yuhoo, tao po! Package po! Galing U.S.”

Biglang na-excite ang dalawang matanda.

“Sige Garda, bumaba ka, package daw, baka padala ni JR!”

“Aba, pareho tayong makipag-usap. Ikaw ang makikinig sa sasabihin ng lalaki. Ako naman ang titingin sa hitsura at ikikilos niya.”

Palibhasa ay mahinang kumilos, nakaalis na ang lalaki bago nakababa at nakarating sa pintuan. Pagkalipas ng dalawang oras, humahangos na dumating ang apo ni Lola Miling.

“Lola, may bigotilyo raw na lalaking nagpunta rito.”

“Oo, bakit?”

“Magnanakaw pala iyon. Pagkagaling dito, doon siya sa bahay sa kanto kumatok. Kaso namukhaan siya ng mga tambay. Siya ang taong nasa CCTV na nakunang nagnakaw sa grocery sa palengke. Ang mga tambay ang humuli sa lalaki at nagdala sa presinto.”

“Buti, hindi ninyo pinapasok, Lola?”

“Ay naku muntik na. Na-excite ako nang sinabing may package galing U.S. Ngayon ko lang naisip na nasa Saudi nga pala ang Tito JR mo.”

vuukle comment

PACKAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with