^

Punto Mo

Utang na ­dalawang taon ng hindi ­nababayaran, maari pa bang habulin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Noong January 2020 ay umutang po sa akin ang kaibigan ko ng P500,000 para raw sa sisimulan niyang negosyo at nangako siya na babayaran niya ito matapos ang isang taon. Nagkasundo po kami at pinahiram ko po siya ng nasabing halaga ngunit tumama nga po ang pandemic  kaya agad ring nalugi ang kanyang negosyo. Dahil magkaibigan naman kami ay hindi ko na muna siya siningil kahit lumampas na ang isang taong ipinangako niya dahil naiintindihan ko naman na mahirap ang naging sitwasyon simula noon.

Pero ngayon po ay sisingilin ko na siya lalo na’t may dalawang taon na rin naman siya para makapagbayad.  Kung sakali pong hindi siya makabayad, puwede pa rin po ba akong magsampa ng kaso kahit may katagalan na ang kanyang pagkakautang? —Michael

Dear Michael,

Bagama’t ang lahat ng may pagkakautang ay may obligasyon na magbayad, ang ating batas ay nagtatakda ng prescriptive period o ng panahon kung kailan ang pinagkakautangan ay maaring makapagsampa ng kaso. Kapag lumipas na ang panahong ito at wala pa ring kasong isinasampa ang pinagkakautangan ay mawawala na ang karapatang ito.

Sa iyong sitwasyon ay maari ka pang makapagsampa ng kaso kung sakaling hindi magbayad ang kaibigan mong may utang sa iyo. Sa ilalim ng ating Civil Code ay may anim na taon para maghabla base sa isang kasunduan, kung hindi nakasulat ang kasunduan. Kung nakasulat naman ang kasunduan ay sampung taon ang ibinibigay ng batas para sa pagsasampa ng kaso.

Maari pang mapahaba ang mga ito kung may nangyaring paniningil bago matapos ang mga nabanggit na prescriptive period. Sinasabi kasi sa Article 1155 ng Civil Code na suspendido ang pagpatak ng prescriptive period kung naningil na ang pinagkakautangan sa pamamagitan ng isang kasulatan o demand letter. Maari ring tumigil ang pagtakbo ng prescriptive period kung gumawa ng kasulatan ang may utang kung saan inaamin niya ang kanyang pagkakautang.

vuukle comment

DEBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with