^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (169)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA lakas nang pagsigaw ni Mira ay lalong nagulat ang kalabaw kaya biglang tumakbo. Dahilan iyon para mabitawan ni Mira ang tali ng kalabaw at dumausdos siya. Nawalan siya ng balanse at tuluy-tuloy na nahulog. Lalo pa siyang tumili!

‘‘EEEEEEEEEE!’’

Si Reagan na nasaksihan ang lahat ay mabilis na kumilos. Nang dumausdos si Mira, maliksi niyang nasalo ito. Eksakto ang bagsak ng katawan nito sa kanyang matitipunong braso. Hindi siya natinag man lang.

“Oooopppps!’’

Swak na swak si Mira!

Humihingal si Reagan nang ibaba sa singkamasan si Mira. Ngayon siya nakadama ng pagod sa ginawang pagsalo sa katawan ni Mira.

Napaupo siya sa mga tanim na singkamas.

‘‘Salamat Reagan! Akala ko, tuluy-tuloy na akong mahuhulog mula sa kalabaw!’’

Hinihingal si Reagan nang sumagot.

“Okey lang, Mira. Salamat at hindi ka naano!’’

Naupo na si Mira sa tabi ni Reagan.

‘‘Kung hindi mo ako nasalo baka nalaglag ako at nabalian, Reagan.’’

“Nakita ko kasi na nagulat ang kalabaw sa bumagsak na niyog kaya maagap akong saluhin ka.’’

“Talaga bang ganyan ang kalabaw, Reagan? Nagugulat talaga?’’

“Oo.’’

‘‘Hindi ko inaasahan kaya napasigaw ako. At siguro lalong nagulat sa sigaw ko.’’

“Hindi ka ba natatakot na sumakay uli sa kalabaw?’’

“Parang natatakot na ako, Reagan.’’

“Halika at tayong dalawa ang sasakay. Iaangkas kita.’’

“Sige! Hindi na ako matatakot dahil mayroon na akong kakapitan, ha-ha-ha!’’

Tumayo si Reagan at kinuha ang kalabaw na nasa di-kalayuan. (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with