^

Punto Mo

EDITORYAL - Bangis ng Omicron

Pang-masa
EDITORYAL - Bangis ng Omicron

KUNG mabangis ang Delta variant na nagpataas ng kaso ng COVID sa bansa noong Agosto hanggang Oktubre, mas mabangis ang Omicron na unang na-detect sa South Africa. Highly mutated umano ang variant na ito. Sa kasalukuyan, marami nang bansa ang nakitaan ng Omicron. Ayon sa World Health Organization (WHO), 23 bansa na ang nakitaan  ng Omicron at patuloy pang dumarami. Sabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na masyado nilang sineryoso ang variant na ito. Lagi umano silang nakaantabay sa development ng variant.

Dito sa Pilipinas, wala pa namang naiuulat na kaso ng Omicron, ayon sa Department of Health (DOH). Ang tatlong Pinoy na galing South Africa noong nakaraang linggo ay pawang negatibo sa Omicron. Pitong Pinoy pa na galing South Africa ang naka-isolate na.

Sabi ni Health Sec. Francisco Duque, malamang makapasok sa bansa ang Omicron ganunman nakahanda na umano ang mga ospital ma-pribado at pampubliko man sakali at magkaroon ng surge ang Omicron. Sabi ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) titiyakin nilang may sapat na oxygen at bakanteng higaan sakali at magkaroon ng surge ng Omicron. Marami na umanong health facilities sa bansa ang wala nang gaanong COVID patient kaya marami nang bakanteng kama.

Ang isang magiging problema ng DOH at mga ospital ay ang kakulangan ng health workers dahil marami nang nagsipagbitiw dahil sa ipinagkakait ang kanilang mga benepisyo. Patuloy na nananawagan ang health workers sa pamahalaan na ipagkaloob na ang kanilang inaasam na Special Risk Allowances (SRA) at iba pang benepisyo.

Ngayong may banta ng panibagong variant, ang serbisyo ng healthcare workers ay lubhang mahalaga. Hindi sila dapat binabalewala. Kailangan sila sa panahon ng pandemya.  

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with