^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (126)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAKAKAHIYA naman Mang Reagan. Malaking tulong na ang nagawa mo sa amin na naisugod dito sa ospital at ­ngayon ay tinutulungan mo pa ako sa paghanap ng room ni Papa. Kaya ko na naman po na ihanap siya ng kuwarto,’’ sabi ni Mira sa nahihiyang boses.

“Nasimulan na kitang tulungan e di lubus-lubusin ko na. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako naaabala.’’

“E…’

“Halika at mag-lunch muna tayo. Nagugutom na ako at siguro ikaw din.’’

“Oo nga po.’’

“Halika. Dun yata sa basement ang canteen nitong ospital.’’

Tinungo nila ang basement. Dun nga ang canteen.

“Halika pili ka ng food mo, Mira.’’

“Wala po akong dalang pera, Mang Reagan. Sa pagmamadali kanina, naiwan ko ang wallet.’’

‘‘Ako naman talaga ang magbabayad. Don’t worry. Basta pumili ka ng food mo at akong bahala.’’

“Salamat po uli.’’

Pumili si Mira at Reagan ng pagkain. Binayaran ni Reagan.

Habang kumakain, nagkukuwentuhan sila.

“Anong name ng papa mo?’’

“Lincoln po.’’

“Pangalan ng US President katulad ko.’’

“Opo. Fan daw po ni Abraham Lincoln si Lolo kaya Lincoln ang pinangalan kay Papa. E ikaw po, fan din ni Ronald Reagan ang papa mo.’’

“Ah, hindi. Kinuha sa name ng nanay ko at tatay ko. Rea ang nanay ko at Gani naman ang tatay ko. Kaya Reagan.’’

“Ah kaya pala.’’

“Nag-iisa kang anak, Mira.’’

“Opo.’’

“Ang mama mo nasaan?’’

“Iniwan po kami ni Papa.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with