^

Punto Mo

EDITORYAL - Vaccination ng mga bata, apurahin din

Pang-masa
EDITORYAL - Vaccination ng mga bata, apurahin din

TAGUMPAY ang tatlong araw na National Vaccination Day (NVD) na sinimulan noong Lunes at magtatapos ngayong araw na ito. Sa unang araw ay nakapagbakuna ng siyam na milyong katao, mas mababa sa target na 15 ­milyon pero sabi ng Department of Health (DOH), maganda ang simula sapagkat nakita ang pagnanais ng mga tao na mabakunahan laban sa COVID-19. Dumagsa ang mga tao na nagmistulang prusisyon sa haba ng magpapabakuna.

Hindi na katulad sa mga nakaraan na marami ang urong-sulong. Ngayon ay kusa nang nagtutungo sa vaccination sites ang mga tao para mabakunahan. Isa pa rin sa magandang nakita sa NVD, lahat nang walk-ins ay puwede nang mabakunahan. Hindi katulad noon na marami pang hinihinging papeles o mga identification cards bago mabakunahan. Sa pagkakataong ito ay nagkaroon ng bayanihan kaya naging tagumpay ang pagbabakuna sa masa.

Magkakaroon pa umano ng tatlong araw pang vaccination sa Disyembre 15-17, ayon sa DOH. Inaasahan na mas marami pang mababakunahan hanggang sa maabot ang target na 70 milyon ng populasyon bago matapos ang 2020.

Nararapat din namang apurahin ang pagbabakuna sa mga bata edad 5-11 para maprotektahan din sila. Ang mga edad 12-17 ay kasalukuyang binabakunahan at ayon sa DOH at IATF ay maaaring matapos ang pagbabakuna sa mga ito sa Disyembre.

Nararapat mabakunahan ang mga bata lalo pa’t ­mayroon na namang lumutang na COVID-19 variant na Omicron na natunton sa South Africa. Sinasabing mas mabilis makahawa ang Omicron at pati mga bata ay tinatamaan. Mas mabangis umano ang Omicron kaysa Delta variant.

Wala nang problema sa supply ng bakuna kaya nararapat na ring isama sa sama-samang pagbabakuna ang mga bata. Ngayong naghahanda na ang mga bata sa face-to-face classess, dapat talagang mabakunahan na sila para may matibay na proteksiyon sa virus. Bago tuluyang magbalik sa normal na klase, kailangang mabakunahan lahat ang mga bata ganundin naman ang mga guro.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with