^

Punto Mo

Urine o hair drug test!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAINIT pa rin ang usapin tungkol sa pagpapa-drug test ng mga kandidatong tatakbo sa halalan sa susunod na taon.

Ito’y matapos nga ang blind-item ni Pangulong Digong na isang presidentiable ang gumagamit ng cocaine.

Siyempre, komo walang binanggit na pangalan, kanya-kanyang tanggi ang mga kandidato.

At para patunayan na hindi sila ang tinutukoy ng pangulo, nagkanya-kanya na ring pagpapa-drug test ang mga ito kahit hindi ito mandatory para sa isang kandidato. 

Eto naman ngayon ang isyu, komo nga halos lahat sa sumailalim sa drug test eh negatibo ang naging resulta, hindi pa dito natatapos ang kuwento. 

Marami ngayon ang naggigiit na dapat daw sa hair drug test sumailalim ang mga ito at hindi sa urine.

Ngayon aalamin natin ang pagkaiba nito.

Ayon kay  dating PNP Crime Lab chemist , ret. P/Col. Filipinas Papa kadalasang ginagamit sa atin ang urine drug test.

Bukod sa madaling makolekta ang specimen nito, mas madali ring mailabas ang resulta.

Gayunman, kailangan nga lang daw na maging matiyaga ang examiner na kahit may konting duda ay kailangang isailalim ito sa confirmatory test.

Sa kabilang banda, binanggit pa nito, na kulang pa tayo sa skills o traning sa hair drug test o ang hair follicle test.

Bukod sa mas mahirap kunin ang specimen nito. Kailangan umano na may kasamang ugat ang buhok na eeksaminin.

Ang hair drug test ay may 90-day detection window at kinokonsiderang mas reliable method.

Ang urine drug test ay mas affordable kumpara sa hair drug test na may kamahalan.

Bagamat parehong may bentahe at disadvantage ang dalawang uri ng drug test kaya kailangang munang malaman kung ano ba ang nais mong ma-accomplish sa pagsailalim sa test para malaman kung ano ang dapat mong gamiting specimen.

Ang urine drug test ay pwede sa recent drug use, habang ang hair drug test naman ay para sa long-term patterns ng repetitive drug use.

Kayo na magpasya, basta ang mahalaga boluntaryo na lamang magpa-test ang mga kandidato para walang maging duda ang publiko.

 

vuukle comment

DRUG TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with