^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (120)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PUMASOK na si Reagan sa loob nang hindi makita si Mira. Siguro ay may sakit na naman ang papa nito kaya hindi nakakapaglaba. Baka nasa ospital. Sabi ni Bino ay nagda-dialysis daw ang papa ni Mira.

Hindi alam ni Reagan kung bakit ganito na lamang ang pag-aalala niya sa kalagayan ng kanyang kapitbahay. Gaya ngayon na bigla siyang lumuwas na hindi niya alam kung bakit. Basta bigla niyang naisip na lumuwas. Kung minsan nagtataka na siya sa kanyang sarili. Senyales kaya ito ng katulad niyang malapit nang mag-senior year? Kung anu-ano ang kanyang naiisip na sa ­palagay niya ay parang magkakatotoo. Sabagay marami nang pagkakataon na ang mga naisip o naimadyin niya ay nagkatotoo. Parang may ESP siya.

Gaya noong nasa Saudi pa siya. Tuwing hapon pagka­galing sa trabaho ay nagja-jogging siya. Nasa kalagitnaan na siya ng pagja-jogging nang biglang-bigla ay maisip niya na huwag nang ipagpatuloy ang pagja-jogging at umuwi na siya.

Kinabukasan, nabalitaan niya na may isang pickup na nawalan ng preno at inararo ang mga taong nagja-jogging sa lugar at may namatay. Nangyari ang insidente ng 4:30 p.m. at sa mismong lugar kung saan siya nagja-jogging. Iyon din ang oras na dapat ay naroon siya. Gumagapang ang kilabot sa katawan niya kapag naaalala iyon.

Kaya napatunayan niya na ang mga iniisip o iniimadyin niya ay nangyayari.

At itong biglaang ­pagluwas niya rito sa Makati ay may naiimadyin siyang mangyayari. Hindi niya alam kung ano yun.

KINABUKASAN, dakong alas-otso ng umaga, nasa beranda siya at inaabangan si Mira nang bigla ay lumabas ito. Humihingi ng tulong sa kanya.

“Tulungan mo po ako! Hindi na yata humihinga ang papa ko.” (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with