^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Sungay’ at ‘pangil’ ng PNPA cadets

Pang-masa
EDITORYAL - �Sungay� at �pangil� ng PNPA cadets

LIMANG matitinding suntok sa sikmura ang i­binigay ni Cadet 2nd Class Steven Ceasar Maingat kay Cadet 3rd Class George Carl Magsayo. Namilipit sa sakit si Magsayo at pagkaraan ay isinugod siya sa isang ospital sa Sta. Rosa, Laguna subalit patay na nang idating doon.

Ayon sa report, dakong 5:40 ng hapon noong Set­yembre 23, si Magsayo at isa pang kadete ay nagtungo sa room ni Maingat. Doon siya sinuntok sa sikmura.

Sinampahan ng kasong criminal at administratibo si Maingat at nakakulong na. Sinibak naman ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang hepe ng PNPA na si Major Gen. Rhoderick Armamento.

Hindi na bago ang ganitong pangyayari sa PNPA. Marami nang pangyayari na nagpapakita sa “­sungay” at “pangil” ng PNPA cadets. Sabagay mabuti nang habang maaga ay nakita na agad ang kanilang “sungay” at “pangil” kaysa naman lumabas ang mga ito kung kailan nasa serbisyo na sila o isa nang pulis. Mas delikado ang mamamayan kung nasa police force na sila.

Narito ang ilan sa ginawa ng PNPA cadets na may “sungay” at “pangil”:

Noong Oktubre 2018, siyam na PNPA cadets ang pinatalsik dahil sa pambubugbog sa anim na junior cadets. Sa imbestigasyong ng Board of Inquiry ng PNPA, napatunayang nagkasala ang siyam na kadete dahil sa pambubugbog sa anim na upperclassmen noong Marso 21, 2018, araw ng graduation. Kaaalis lamang ni President Duterte sa Camp Castañeda, Silang, Cavite kung saan siya ang panauhing pandangal nang maganap ang pambubugbog. Pinagsusuntok at pinagsisipa umano ang mga ito at ang ilan ay nagsuka dahil sa matinding pahirap.

Noong Disyembre 2018, tatlong PNPA cadets ang pinatalsik sa akademya dahil puwersahang pinag-oral sex sa harapan nila ang dalawang baguhang kadete (plebe). Nangyari ang pagpapa-oral sex sa dalawang plebo noong Oktubre 2018. Nakagawa umano ng kasalanan ang dalawa at ang parusa ay ang pagpapa-oral sex. Dahil sa takot, hindi na nakapiyok ang dalawang plebo na hindi na binanggit kung mga lalaki o babae. Hindi naman binanggit ang pangalan ng tatlong kadete.

At ngayon nga ay ang ginawa ng kadeteng si Maingat na napatay si Magsayo matapos suntukin sa sikmura. Nakakatakot kung maging pulis si Maingat. Mabuti at maagang nakita ang kanyang “sungay” at “pangil”. Tama naman na alisin ang hepe ng PNPA sapagkat hindi niya namo-monitor ang paglitaw ng “sungay” at “pangil” sa kanyang nasasakupan.

 

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with