^

Punto Mo

Ang biyenan ng Presidente

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGING US President si Harry S. Truman mula 1945 to 1953. Ang kanyang biyenang babae ay si Madge Wallace. Sapul pa sa pagkabata ay matalik nang magkaibigan sina Harry Truman at Bess Wallace. Isa lang magsasaka si Truman samantalang ang pamilya ni Bess ay may-ari ng malaking pabrika ng harina sa Missouri. Nang nagpakasal ang dalawa noong 1919, si Truman at ang kaibigan nito ay nagtayo ng tindahan ng mga gamit sa pananahi. Ngunit bago pa man umasenso, ito ay na-bankrupt. Hindi siya nakapagtapos ng college dahil natanggal siya sa kanyang trabaho sa gobyerno.

Naiinis si Madge sa kanyang anak na si Bess dahil sa isang mahirap lang nagpakasal. Tumira ang bagong kasal sa mansion ng mga Wallace kaya naman lalong bumaba ang pagtingin ni Madge sa manugang. Nang manalong senador si Truman, naisipan niyang ilipat ang pamilya sa Washington. Akala ni Truman, makakahiwalay na siya sa biyenan. Hindi pala, nagprisinta itong sumama sa kanila sa maliit na apartment sa Washington.

Nang kalabanin ni Truman si Thomas Dewey sa presidential election noong 1948, buong kataklesahang nagsalita ang kanyang biyenan sa harap ng family friends:

“Bakit kaya naisipan ng aking manugang na kalabanin ang napakabait na si  Mr. Thomas Dewey?’’

Laging may negative comment si Mother Wallace (tawag ni Truman) sa mga isyung pampulitika na may kaugnayan sa kanyang manugang. Nang maging presidente ang manugang ay kasama pa rin ang mahaderang biyenan sa White House. Sa kabila ng accomplishments sa pulitika ni Truman, nanatiling maliit ang pagtingin sa kanya ng biyenan. In fact, sa buong panahon ng pagsasama ng magbiyenan, mga 30 years, hindi kailanman tinawag si Harry Truman ng kanyang biyenan sa kanyang first name. Laging Mr. Truman ang tawag sa kanya nito na napaka-impersonal. Isang maliwanag na pruwebang suko hanggang langit ang pag-ayaw nito sa manugang.

“Your mother wouldn’t describe a combination of Brad Pitt, Bill Gates, and Prince William as ‘quite a catch.’ There is nobody walking the earth good enough to be her son-in-law.” ? Neil Gaiman, Anansi Boys

vuukle comment

PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with