^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (57)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKARATING sa bahay sina Reagan at Bino. Malapit nang mag-alas onse. Nakakaramdam na ng gutom si Reagan. Nahalata iyon ni Bino.

“Ipagluluto kita ng tanghalian, Manedyer. Kawawa ka naman, pagod na pagod ka,’’ sabi ni Bino.

“Sige Bino, pagod nga ako. Matanda na talaga ako. Ikaw na ang bahalang magluto.’’

“Ano ang iluluto ko Ma-nedyer?’’

“Maggisa ka na lang sar­­dinas. Damihan mo ng sibuyas. Tapos magsaing ka. Marami pang bigas diyan sa lalagyan.’’

‘‘Areglado Manedyer. Marami ka nga palang dalang sardinas.’’

‘‘Damihan mo na at dito ka na kumain. At habang kumakain e di mag-shot tayo. Magpapasarap naman tayo. Ganyan lang ang buhay. Marami pang imported na alak diyan.’’

“Sige Manedyer. Magpa­hinga ka na lang muna sa tumba-tuma at kapag luto na e tatawagin kita. Saglit lang maggisa ng sardinas. Ang sinaing ay kinse minutos lang.’’

“Maliligo lang ako, Bino. Masarap kumain at uminom kapag bagong goli.’’

“Sige Manedyer.’’

Naligo si Reagan.

Makalipas ang kalaha-ting oras, luto na ang ginisang sardinas at kanin.

“Halika na Manedyer. Kain na tayo. Tamang-tama, mainit ang kanin.’’

‘‘Sige. Pero ilabas mo na ang imported para pagkatapos kumain e mag-shot na tayo.’’

Inilabas ni Bino ang alak.

Kumain sila. Masarap ang pagkakaluto ni Bino sa sardinas. Maraming tinadtad na sibuyas. Nakakagana.

“Ang dami kong nakain Bino.’’

“Ako rin Manedyer. Masarap ang sardinas kapag paminsan-minsan kakainin.’’

“Korek ka diyan, Bino.’’

Maya-maya pa, nagsimula na sila sa konsiyerto.

Nang maka-isang shot sila, tinanong na ni Bino si Reagan kung sino ang sunod na nakarelasyon sa Saudi.

“Si Leonor.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with