^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (53)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, ang pagtatanim ng mga kawayan sa pampang ng sapa ang ginawa nina Reagan at Bino. Naka­bili nang maraming suwi ng kawayan si Bino at kailangang maitanim agad ang mga iyon bago pa tumaas. Ang sapa ay dumaan sa portion ng farm ni Reagan na kapag malakas ang ulan ay napupuno at umaapaw. Nalaman niya na ang pagtatanim ng kawayan sa gilid o pampang ng sapat at ilog ay mahusay na pananggalang sa baha. Bukod sa sinisipsip ng kawayan ang tubig baha, pinatitibay din nito ang lupa sa pampang. Hindi nagkakaroon ng erosion.

“Mapapakinabangan mo nang malaki ang mga kawa-yang ito, Manedyer. Bukod sa solusyon sa baha, kikita ka nang malaki rito,’’ sabi ni Bino habang naghuhukay sa lupa.

‘‘Paano ako kikita, Bino?’’

‘‘Mahal ang bawat puno ng matigas na kawayan, Manedyer. Lalo na itong itinatanim natin na tinikan, mahal ito. Ginagawang basket at mga trays. Marami nang yumaman sa kawayan, Manedyer.’’

“Talaga?’’

“’Yung kumpare ko ay supplier ng kawayan sa bayan. Ginagawang bilao ng pansit at puto. Ang yaman na niya, Manedyer. Bumili pa siya ng lupa at tinaniman ng kawayan.’’

‘‘Binigyan mo ako ng ideya. Sige damihan pa natin ng tanim ng kawayan.’’

‘‘Kung ako sa iyo Manedyer, bumili ka pa ng lupa rito at taniman natin ng kawayan. Magandang pagkakitaan. At alam mo ang maganda pang pagkakitaan sa kawayan, Manedyer ?’’

‘‘Ano?’’

‘‘Labong.’’

‘‘Bamboo shoot?’’

‘‘Oo, Manedyer. Kikita ka ng limpak.’’

Nag-isip si Reagan. Oo nga. Maganda ang ideya ni Bino.

‘‘Sige pag-iisipan ko, Bino. Okey ang naisip mo.’’

Ipinagpatuloy nila ang pagtatanim ng kawayan.

Habang nagtatanim, naungkat ni Bino ang sunod na nakarelasyon ni Reagan sa Saudi.

‘‘Sino na ang sunod na nakarelasyon mo Manedyer. Nakakasabik ang mga kuwento mo.’’

“Talagang nag-e-enjoy ka, Bino?’’

“Oo Manedyer. Sino ang sunod mong nakarelasyon sa Saudi?’’

“Si Elena.’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with