^

Punto Mo

Lalaki sa china na tinaguriang ‘folding man’ dahil nakatiklop ang katawan, nakatayo na nang tuwid sa tulong ng mga eksperto!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 46-anyos na lalaki sa China na tina­guriang “Folding Man” dahil sa kakaibang kondisyon sa gulugod ang himalang nabigyan ng lunas ng mga medical expert sa China.

Si Li Hua ay na-diagnose na may Ankylo­sing Spondylitis noong siya’y 18-anyos. Habang siya’y nagkakaedad, palala nang palala ang kanyang sakit at tinagurian na siyang “Folding Man’’ sa kanilang lugar dahil literal na nakatiklop ang itaas na bahagi ng kanyang katawan at halos magdikit na ang kanyang mukha at kandungan.

Galing si Li Hua sa mahirap na pamilya sa Hunan Province at kahit kailan ay hindi siya nakapagpatingin sa doctor. Dahil sa sobrang lala ng kanyang kondisyon, nag-alok ng libreng corrective surgery si Professor Tao Huiren ng Shenzhen University General Hospital upang maituwid niyang muli ang katawan.

Umabot ng 46 na oras ang operasyon kay Li Hua at naging matagumpay ito. Ayon sa team of doctors na nagsagawa ng operasyon, maituturing sa pag-akyat sa Mount Everest ang ginawa nilang operasyon kay Li Hua dahil sobrang challenging at kumplikado nito.

Mabilis na nakarekober sa operasyon si Li Hua at malaki ang pagpa­pasalamat niya sa mga doktor na gumamot sa kanyang karamdaman.

Sa kasalukuyan, namumuhay na ng normal si Li Hua at hindi na tinatawag na “Folding Man” sa kanilang lugar.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with