^

Punto Mo

EDITORYAL - Hanggang kalian magtitiis ang nurses?

Pang-masa
EDITORYAL - Hanggang kalian magtitiis ang nurses?

HANGGANG ngayon, marami pa rin sa mga nurses ang hindi pa natatanggap ang kanilang special risk allowance (SRA) at iba pang benepisyo. Ito ay sa kabila na ipinag-utos na ni President Duterte na ibigay na ang hinihingi ng mga ito. Inatasan ng Presidente ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) na ibigay sa loob ng 10 araw ang hinihingi. Pero hanggang ngayon, marami pa rin sa mga nurses ang hindi nakakatanggap ng SRA.

Pagod na pagod na ang mga nurses. Hanggang ka­ilan sila magtitiis? Hanggang kailan sila maghihintay sa mga benepisyong dapat ay noon pang nakaraang taon ibinigay? Mula nang magsimula ang pandemya, marami sa mga nurses ang sobra-sobra ang pagdu-duty. Ayon sa report, may mga umaabot ng 14 na oras ang kanilang pag-duty. Lalo pang nadagdagan ang oras ng pagtatrabaho nang dumami ang mga COVID cases noong Marso at ngayong nagkaroon na naman ng surge, lalo pang bumigat ang kanilang responsibilidad.

Noong nakaraang Setyembre 1, nagdaos ng kilos protesta ang mga nurses sa pribado at pampublikong ospital. Inirereklamo nila ang hindi pa natatanggap na benepisyo ganundin naman ang mababang suweldo. Sobra-sobra na anila ang haba ng kanilang oras sa pagdu-duty subalit masyadong maliit ang kanilang natatanggap.

Ayon sa report, maraming nurses sa mga pribadong hospital ang sumasahod lamang ng P8,000. Sobrang baba naman ito. Saan aabot ang halagang ito? Nakakaawa ang kalagayan ng mga nurses sa pribadong ospital. Di hamak na mas talo sila ng mga nasa pampublikong ospital na sumasahod ng P22,000. Ganunman, para sa mga nurses sa pampublikong hospital, mababa pa rin ang kanilang suweldo.

Maraming nurses na ang nagsipag-resign dahil nga sa kakulangan sa suweldo. Marami na ang nagsipag-abroad. Ang isang ospital sa Batangas na dati ay may 200 nurses bago ang pandemya, ngayon ay 63 na lamang. Ang iba ay nag-abroad na at kumikita na nang malaki.

Noong isang araw, isang batas ang inihain sa Kongreso para itaas ang suweldo ng mga nurses. Sa panukalang batas (House Bill 7490) ang nurse na sumasahod ng P20,000 ay magiging P60,000 kapag naaprubahan.

Kung magkakatotoo ito, matutuwa ang mga nurses. Sana hindi ito gagawin dahil malapit na ang eleksiyon. Maawa naman sa mga nurses na pagod na pagod na.

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with