^

Police Metro

DILG, bigong nagamit ang P577.05 milyon pondo sa COVID-19 response

Joy Cantos - Pang-masa
DILG, bigong nagamit ang P577.05 milyon pondo sa COVID-19 response
In this April 2020 photo, medical workers screen patients for possible COVID-19 before admission at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) in Quezon City
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hindi umano nagamit ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang P577.05 mil­yong pondo para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic base sa 2021 taunang report ng Commission on Audit (COA) kahapon.

Ayon sa COA, ang ahensya sa ilalim ng pamumuno ni dating DILG Secretary Eduardo Año ay nabigong magamit ng buo o bahagi ng implementasyon para sa anti-COVID-19 projects at mga aktibidades ang nasa­bing pondo mula sa P4.038 bilyong nakalaan sa nasabing tanggapan.

Pinuna rin ng mga state auditors na ang target na mga contact tracers na i-hire ng DILG sa ilalim ng pondo alokasyon mula sa Bayanihan to Recover As One Act at General Appropriations Act 0f 2021 ay hindi nagamit ng buo.

Ikinatwiran naman ng pangasiwaan ng DILG sa COA na ang hindi nagamit na pondo ng Central Office ay nakalaan para sa hiring ng  karagdagang mga administrative staff.

Inirekomenda ng COA ang tamang paggamit sa pondo sa pamamagitan ng sapat na pagpaplano at napapanahong implementasyon ng mga planong aktibidades sa panahong saklaw nito.

vuukle comment

COA

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with