^

Police Metro

2 Chinese tiklo sa higit P1.7 bilyong shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga otoridad ang nasa 260 kilo ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City at lalawigan ng Cavite na kung saan ay dalawang Chinese national ang naaresto.

Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang naaresto sa isang buy-bust ­operation ang suspek na si Cai Jia Zhu, alyas Anson Chua, 41, ng Durian St., Cuevas Ville Subdivision, Molino III, Bacoor, Cavite, alas-10:30 ng umaga sa kahabaan ng Maria Clara St., Banawe, Quezon City.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 40 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272 milyon, isang unit na android phone; dalawang COVID-19 vaccination ID; driver’s license at isang Toyota Corolla.

Habang, dakong alas-11:30 ng umaga naman nang maaresto ang suspek na si Hai Lin, 41, sa kanyang tahanan sa Fullana St. corner Soriano St., Avida Residences, Santa Catalina, Molino-Paliparan Road, sa Dasmariñas, Cavite at nakumpiska ang 220 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.496 bilyon, tatlong Unit na Android phone; isang analog na telepono; isang IOS phone; isang CO­VID-19 vaccination ID at driver’s license.

Ang dalawang suspek ay sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002. - Cristina Timbang

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with