^

Police Metro

Sa inagurasyon sa Hunyo 30 bayolenteng Anti-Marcos protesters aarestuhin! – PNP

Joy Cantos - Pang-masa
Sa inagurasyon sa Hunyo 30 bayolenteng Anti-Marcos protesters aarestuhin! � PNP
Bilang paghahanda para sa seguridad sa nalalapit na inagurasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos” Jr., nagsagawa kahapon ang mga miyembro ng Philippine National Police ng “simulation exercise” sa tapat ng venue sa National Museum sa Ermita, Maynila. Idineklara ni Mayor Isko Moreno ang special non-working holiday sa buong lungsod sa Hunyo 30 dahil sa inagurasyon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa mga bayolenteng anti-Marcos protesters na mahaharap sa pag-aresto kapag magsasagawa ng kaguluhan kaugnay ng gaganaping inagurasyon ni President–elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30. 

Ayon kay Major Gen. Valeriano de Leon, PNP Director for Operations,  paiiralin ng pulisya ang “maximum tolerance” ­alinsunod sa kautusan ni PNP Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Vicente Danao Jr., pero hindi sila ­mangingiming arestuhin ang mga anti-Marcos protesters kung magiging bayolente at manggugulo sa inagurasyon.

“They (anti-Marcos rallyist) will be definitely arrested kung sila’y maging bayolente sa isang rally,” pahayag ni de Leon.

Sinabi ni de Leon na ang mga anti-Marcos protesters ay maaaring mag-rally sa freedom parks at kung lumabas sila o mag-rally sa mga hindi pinahihintulutang lugar na walang permit mula sa Local Government Unit (LGUs) ay haharangin at bubuwagin sila ng mga naka-deploy na Task Force Manila Shield personnel.

“Kapag nagkaroon ng assembly dun sa mga lugar na other than freedom park gagawin ng pulis ang kanilang tungkulin to disperse it,  I know we will observe maximum tolerance pero, we will abide but kung ikaw  ay makakaistorbo sa traffic, sa isang event  that would create inconvenience to the public that’s the barometer,” ani de Leon. 

Sa kasalukuyan, ayon kay de Leon, nasa 98% na ang kanilang kahandaan para tiyakin ang seguridad, kaayusan at kaligtasan sa inagurasyon ni Marcos.

Nasa mahigit 15,000 pulis ang ide-deploy ng Task Force Manila Shield na sisimulang i-activate sa Hunyo 28 o 2-araw bago ang itinakdang inagurasyon ni Marcos. Nilalayon nito na tiyakin ang maximum security sa isa sa pinakamalaking event ng taon.

Kabilang sa 15,000 security forces na ide-deploy ay mga pulis, sundalo, ­Philippine Coast Guard (PCG) personnel at iba pang mga force multipliers.

Bahagi nito ay ang implementasyon ng checkpoints at chokepoints sa lahat ng papasok sa Maynila sa araw ng inagurasyon.

Ipatutupad na rin ­simula bukas, Hunyo 27, ang gun ban sa buong National Capital Region na tatagal hanggang Hulyo 2.

Samantala, magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga pagsasara ng kalsada at traffic re-routing sa public utility at private vehicles sa palibot ng National Museum, sa Maynila sa Hunyo 30

Ngayong Linggo (­Hunyo 26) ang isasara simula alas 12:01 ng madaling araw hanggang alas 11:00 ng gabi sa Hunyo 30, ang Padre Burgos ­Avenue;  Finance Road; Ma. Orosa Street.; — mula TM Kalaw hanggang P. Burgos; ­General Luna Street – mula P. Burgos hanggang Muralla Street.

Sa Huwebes (Hunyo 30), simula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng gabi naman ay isasara ang  Ayala Boulevard; Victoria Street, mula Taft Avenue hanggang Muralla Street. - Ludy Bermudo

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with