^

Police Metro

Duterte kay Marocs: Ituloy ang mga proyektong nagpapasaya sa mga Pinoy

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte kay Marocs: Ituloy ang mga proyektong nagpapasaya sa mga Pinoy
Partikular na tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang pabahay pro­ject para sa mga mahihirap tulad nang paggawad ng Madayaw Residences units sa Central Park, Bangkal, Talomo District sa Davao City.
Presidential Communications Facebook page

MANILA, Philippines — “Sana ay ipagpatuloy din ng susunod na admi­nistrasyon ang mga bagay na makapagpapasaya sa ating mga mamamayan. Although not all but may see sila that we are doing something with the money of the people.”

Partikular na tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang pabahay pro­ject para sa mga mahihirap tulad nang paggawad ng Madayaw Residences units sa Central Park, Bangkal, Talomo District sa Davao City.

Sinabi ni Duterte na ang mga housing unit na iginawad sa mga manggagawa ng estado, overseas Filipino workers at uniformed personnel ka­sama ng iba pang mga benepisyaryo, ay nagpa­pa­kita na ang pera ng gob­yerno ay gumagana para sa mga tao.

“Ang programang low-cost housing ay ang paraan natin ng pagbabalik sa masisipag na unipormadong tauhan at mga lingkod-ba­yan. Ibig kong sabihin bu­mabawi lang rin ang gob­yerno sa sakripisyo ninyo,” ani Duterte.

Muling binanggit ni Duterte ang 23 taong karanasan bilang mayor at alam niya ang mga programang dapat ibigay sa mga mamamayan.

Nanawagan din si Du­terte sa National Housing Authority na paigtingin ang mandato nito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Una nang sinabi ni Marcos na itutuloy niya ang mga programang nasimulan ni Pangulong Duterte gaya ng Build, build, build program at anti-drug war.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with