^

Police Metro

Boying Remulla, hinirang na DOJ chief

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinirang ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si re-elected 7th District Cavite Rep. Crispin “Boying” Remulla bilang susunod na kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Kinumpirma naman ni Remulla kahapon ng umaga na tinanggap na niya ang alok ni BBM para pumalit sa puwesto ni DOJ Secretary Menardo Guevarra.

Matatandaan na si Remulla ay una nang inakusahan na nasa likod umano ng red tagging sa mga supporters ni Vice President Leni Robredo na tinalo sa halalan ni Marcos.

Sinabi ni Remulla na hindi siya nag-aplay kay BBM sa nasabing puwesto pero ipinahiwatig na sa kaniya ni Marcos noong una pa man na nais nitong siya ang maging susunod na DOJ Chief.

Ang Cavite ay isa sa mga lalawigan na  nagsagawa ng grand rally sa tambalang BBM-Sara (Davao City Mayor Sara Duterte),  isa rito ay sa General Trias Sports Complex kung saan nasa mahigit 100,000 supporters ang nagsidalo sa kasagsagan ng campaign period. Una na ring tinirada ni Remulla ang mga supporters na nagsidalo naman sa campaign rally ni Robredo na mga aktibista umano kabilang ang mga sinasanay ng mga rebeldeng komunistang CPP-New People’s Army (CPP-NPA).

Inihayag ni Remulla na inihayag na niya ang balita sa DOJ post bago pa man ang pagsisimula ng canvassing ngayong Mayo 24 para sa kandidatong Presidente at Bise Presidente sa Kongreso para na rin sa transparency.

Inihayag din ni Remulla na nagwagi sa reelection sa 7th District sa Cavite na kailangan ng caretaker sa kanilang distrito  sa oras na magsimula na siya sa trabaho bilang DOJ Secretary sa Hunyo 30.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with