^

Police Metro

Lockdown posibleng ipatupad ngayong tag-ulan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng magpatupad muli ng lockdown ang pamahalaan ngayong panahon ng tag-ulan kung marami ang hindi susunod sa ipinatutupad na ‘health protocols’ kasunod ng pagkakatuklas na sa bansa ng mga subvariants ng COVID-19.

Ito ang naging babala ni Philippine Medical Association (PMA) President Benny Atienza dahil ngayong tag-ulan karaniwan na tinatamaan rin ang publiko ng mga normal na sipon at ubo dahil sa pagbabago ng panahon kaya halos hindi na madedetermina kung ang isang tao ay may COVID-19 o wala.

Kahit umano tag-ulan, kailangan pa rin ang palagiang pagsusuot ng face mask sa eksakto sa mukha, paghuhugas ng kamay, maayos na bentilasyon sa mga lugar na pinupuntahan at huwag makipagsiksikan.

Kung may nararamdaman, dapat agad na mag­patingin sa manggagamot at huwag umasa na ordinaryong ubo, sipon o lagnat lang ang nararamdaman para makatiyak sa kaligtasan maging ng mga kapamilya.

Sa kasalukuyan, nakatukoy na ang pamahalaan ng mga kaso ng Omicron subvariants BA.2.12, BA.2.12.1, at BA.4. Ang mga variants na ito na bagama’t mas mahina ang sintomas ay higit na nakakahawa kaysa sa orihinal na Omicron variant at orihinal na COVID-19 virus.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with