DOH: Quarantine protocols sa foreign visitors, planong luwagan
MANILA, Philippines — Plano ng pamahalaan na luwagan ang ipinatutupad na quarantine protocols para sa mga dayuhang bisita sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang pinag-aaralan ngayon ng Department of Health kasama ang mga eksperto.
Kasunod ito sa panawagan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mula sa facility-based quarantine ay gawin na lamang home-based quarantine para sa mga international visitors.
Inatasan na rin aniya, ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang DOH na pag-aralan na ang proposal para makapagbigay ng rekomendasyon.
- Latest