^

Police Metro

Tatlong preso sa Bilibid, nakapuga

Danilo Garcia - Pang-masa
Tatlong preso sa Bilibid, nakapuga
Inmates gather at the maximum security compound of the New Bilibid Prison in Muntinlupa following clearing operations on October 28, 2019.
The STAR / Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Tatlong kilabot na criminal sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinluapa City ang nakatakas makaraang makipagbarilan sa mga jailguards kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nakatakas na sina Arwin Villeza, 35, may mga kasong homicide at attempted homicide; Drakilou Yosores Falcon, 34, may mga kasong robbery at homicide; at Pacific Villaruz Adlawan, 49, may mga kasong frustrated homicide at illegal drugs.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Muntinlupa City Police, ala-1 ng madaling araw nang maganap ang pagtakas ng mga preso nang tumalon umano ang mga ito sa path walk at nakipagbarilan sa mga guwardiya sa Gate 3 at 4.

Sugatan ang tatlong jailguards at isang inmate na tinamaan ng bala dahil sa pamamaril ng mga pugante. 

Nabatid na hinatulan na ng ‘reclusion perpetua’ o pagkakulong ng 20 hanggang 40 taon ng Parañaque Regional Trial Court si Villeza habang dinidinig pa ang kasomg double murder ni Falcon sa Tandag City, Surigao Del Sur RTC at maging ang kasong Homicide ni Adlawan sa Bacoor City RTC.

Maaaring iulat sa Bureau of Correction hotline numbers: 09178049362 at 09186001081 kung mamamataan ang mga pugante na nakasuot pa ng BuCor shirts nang tumakas.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with