^

Police Metro

Cong. Duterte sinuportahan si Marcos

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinuportahan ni presidential son at 1st District Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang kandidatura ni da­ting Senador Ferdinand “BongBong “ Marcos Jr., standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na ka-tandem ang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte sa nalalapit na May 2022 national election sa bansa.

Sa katunayan sa campaign sortie nina BBM at Sara sa Batangas kamakalawa ay sumama si Pulong na nakitang madalas katabi at kausap ng una.

Ang tandem nina BBM at ng running mate nitong si Sara ay mistulang bagyo ang dating sa lakas ng pagtanggap ng kanilang mga supporters.

Sa kabila naman ng magkakasunod na tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Marcos na una na nitong sinabing supporter umano ng mga rebeldeng New People’s Army at hindi pa nakuntento ay sinabihan rin na isang spoiled brat at mahinang lider.

“Since from the start, BBM na po talaga ako,” pahayag ng presidential son nang matanong ng media.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with