^

Police Metro

Biyahero mula Hong Kong pinag-aaralang i-ban

Ludy Bermudo - Pang-masa
Biyahero mula Hong Kong pinag-aaralang i-ban
Dagsa ang mga paalis na pasahero sa mga check-in counters ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City kahapon kasabay ng pagbabawal naman sa mga biyahero mula sa pitong bansa sa pagpasok sa Pilipinas dahil sa bagong COVID-19 variant na Omicron na unang natuklasan sa South Africa.
KJ Rosales

Kaso ng ‘Omicron variant’ tumaas

MANILA, Philippines — Dahil sa naitalang pagtaas ng kaso ng bagong COVID-19 variant na “Omicron” sa Hong Kong, pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibilidad na huwag papasukin sa bansa ang mga biyaherong manggagaling doon, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Sinabi ni Acting Health Spokesperson Dr. Beverly Ho, nagsasagawa na sila ng pagpupulong hinggil sa usapin kung ipatutupad rin ang travel ban sa Hong Kong dahil maraming kababayan o overseas Filipino workers (OFWs) ang nagtatrabaho roon.

Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na inirekomenda na nila sa Executive Secretary ang naturang panukala na pag-ban sa nasabing bansa dahil sa naturang bagong natukoy na COVID-19 variant.

Ang pagpupulong ay kasunod sa naging anun­siyo nitong Biyernes ng gabi ng gobyerno na suspendido muna ang papasok ng biyahe ng mga eroplano mula sa South Africa at anim pang bansa kung saan natukoy ang naturang bagong COVID-19 variant na Omicron.

Kinumpirma ng World Health Organization na isa nang “variant of concern” ang strain ng COVID-19 B.1.1.529 o Omicron na natuklasan sa South Africa.

Ang Omicron ay mula sa Greek na letra.

Napaulat na sinabi ng Technical Advisory Group ng WHO na ang Omicron ay may malaking bilang ng mutation kaya ito ay nakakabahala. Lumalabas din sa mga preliminary evidence na ang Omicron ay may mas mataas ang tiyansa ng reinfection kumpara sa iba pang variants katulad ng Alpha, Beta, Gamma at Delta.

Ang kaso ng nasabing variant ay mabilis umano ang pagtaas sa halos lahat ng probinsiya ng South Africa. Natukoy ang unang kaso nito sa South Africa noong Nobyembre 9. —Malou Escudero

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with