^

Police Metro

2 drug suspect timbog sa P6.8 milyong shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nasamsam ang may isang kilo ng hinihinalang shabu sa Pasay City kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong sina Jake Hernandez, 21; at Lorieben Delos Santos, 18, kapwa residente ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng PDEA, alas-8:55 ng umaga nang maaresto ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 76, sa isang mall sa Pasay City.

Nabatid na unang nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek dahilan upang isagawa ang buy-bust operation.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa malaking heat sealed transparent plastic sachet at tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with