^

Police Metro

250 katao inaresto ng NBI sa illegal online sabong

Danilo Garcia - Pang-masa
250 katao inaresto ng NBI sa illegal online sabong
Ayon kay Atty. Emeterio Dongallo Jr., pinuno ng NBI-Special Project Team, isinagawa nila ang pagsalakay nitong Lunes ng hapon sa Mavin’s Events Center sa San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon kay Atty. Dongallo, isinagawa nila ang raid makaraang magreklamo sa kanilang tanggapan ang ilang lehitimong operator ng e-sabong sa bansa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umabot sa 250 katao ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Office kabilang ang operator, empleyado at mananaya ng Online ­Illegal Sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Ayon kay Atty. Emeterio Dongallo Jr., pinuno ng NBI-Special Project Team, isinagawa nila ang pagsalakay nitong Lunes ng hapon sa Mavin’s Events Center sa San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon kay Atty. Dongallo, isinagawa nila ang raid makaraang magreklamo sa kanilang tanggapan ang ilang lehitimong operator ng e-sabong sa bansa.

“Ang modus nitong illegal na e-sabong operator, pareho lang nung legal. Meron silang pasabong, tapos nila-live stream nila then bettors will bet online. Ang problema lang hindi sila nagbabayad ng franchise,” ani Dongallo.

Nakumpiska sa ­operasyon, ang libu-libong cash na ginamit sa pagtaya, mga production equipments tulad ng mga camera at computer, na gamit naman sa live streaming ng sabong, at mga manok na panabong.

“Ang violation diyan illegal gambling PD 1602 in relation to cybercrime prevention act kasi online e,” dagdag ng opisyal.

Nangangamba rin ang mga otoridad na posibleng maging super spreader ng COVID virus ang naturang iligal na sugalan dahil bawal pa rin ang live na sabong sa buong bansa.

Iginiit din ng NBI Official na malaki ang nalulugi sa pamahalaan dahil sa operasyon ng naturang ilegal na online sabong.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with