^

Police Metro

Idol Tulfo ‘di babanggain si Duterte

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Hindi po ako tatakbo sa pagka-bise presidente sa darating na halalan. Meron naghikayat sa akin na ma­ging ka-tandem nila sa 2022 elections at tinanggihan ko. I said no. Why? mataas ang respeto ko kay PRRD. Kay Pangulong Duterte.”

Ito ang inihayag ni  Raffy “Idol” Tulfo at may mga pulitikong hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, ngunit tinanggihan niya ang mga ito.

Wala po akong intensiyon na banggain siya sa darating na halalan,” dagdag pa niya, na ang tinutukoy ay ang plano ni Duterte na tumakbo sa 2022 elections bilang vice president. Inamin naman ni Raffy na binanggit niya ang 16 million voters at 42 million, ngunit nilinaw na ang mga ito ay hindi niya subscribers, kundi ng ABS-CBN Entertainment na posibleng mag-clash sa16 million voters ni President Duterte kung ang isyu ng ABS-CBN franchise ay buhayin sa susunod na taon.

Nilinaw na niya ang isyu at humingi ng paumanhin sa kanyang mga kaibigan na certified at die-hard Duterte supporters, at sinabing ang kanilang nababasa sa social media ay misinformation lamang at wala siyang intensiyong i-disrespect ang may 16 milyong botante ni President Duterte, dahil kabilang aniya siya sa naghalal sa punong ehekutibo bilang lider ng bansa noong 2016.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with