^

Police Metro

Giyera sa droga itinodo ng PNP Region 3

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
Giyera sa droga itinodo ng PNP Region 3
Scene from documentary "On the President's Order"
On the President's Order / Twitter

MANILA, Philippines — Tinodo na ng Phi­lippine National Police (PNP) Region 3 ang kanilang laban kontra droga nang makakum­piska ng mahigit sa P5 milyong marijuana sa Pampanga at pagkaaresto naman ng isang CAFGU sa Nueva Ecija na tulak ng droga.

“Todo na itong giyera namin sa drugs at hindi kami titiigil hangga’t hindi nauubos ang droga dito sa Central Luzon,” pahayag ni PRO 3 Chief Brig. Gen. Valeriano de Leon.

“Stop!!! or don’t do drug business in my AOR (area of responsibility) kasi kung hindi namin kayo mahuhuli ay baka mapatay namin kayo kapag nanlaban kayo,” babala ni Gen. De Leon.

Una nang natimbog ang tatlong kalalakihan na may dalang 44 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P5 milyon sa Mabalacat, Pampanga ng mga pulis.

Makalipas ang ilang oras, arestado naman ang isang CAFGU na nakila­lang si Jaypee Rosario at dalawang sibilyan na kasama nito sa isang buy bust operation ng Nueva Ecija PNP at narekober ang 1.9 gramo ng shabu at higit P9,000 cash.

Kamakailan ay tinanghal ang Region 3 na “Best Police Regional Office”.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with