^

Police Metro

Pagsasara ng mahigit 500 PETC, inalmahan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pabor ang environmental group na Ani Kalikasan sa ginawang pagsasara ng Department of Transportation (DOTr) sa operasyon ng mahi­git 500 private emission testing center (PETC) sa bansa.

Ayon kay Ani Kalikasan national president Jun Evangelista, hindi makatwiran at walang legal na basehan ang ginawang pagsasara ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon sa naturang mga PETCs upang umano’y paboran ang Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) kaya’t  isinampa na nila ang reklamo sa Presidential Complaint Center sa Malacañang.

Sinabi ni Evangelista na ginagamit umano ni Tuazon ang Department Order no. 2016- 020 na nagpapatupad ng moratorium sa pagtanggap ng mga bagong PETC dahil sa marami na ang emission centers. Gayunman, sinabi ni Evangelista na ang ginawa ni Tuazon na hindi tumanggap ng bagong PETC application for authorization pero nag accredit naman ito ng mga bagong PMVICs na nagsasagawa rin ng emission testing sa mga iparerehistrong sasakyan.

Para umano bigyang katwiran ang paglalagay ng bagong PMVICs sa ilang lugar ay hindi nai-renew ni Tuazon ang authorization ng daan-daang PETCs para bigyang daan ang pagtatatag ng mga PMVICs.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with