^

Police Metro

Mayor Sara ‘di tatakbong pangulo

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi umano kakandidatong presidente ng Pilipinas sa 2022 election si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ang kinumpirma ng spokesperson ni Duterte-Carpio na si Christina Fras­co dahil mas pinili nitong tumakbo muling mayor ng lungsod.

“According to Mayor Sara, she will run for re-election as Davao City Mayor,” napaulat na sinabi ni Frasco.

Ang nakababatang kapatid ni Duterte-Carpio na si Sebastian Duterte ang kakandidato namang vice mayor.

Binanggit din ni Du­terte-Carpio ang kasunduan niya sa kanyang ama na isa lamang dapat sa kanila ang kakandidato sa national position sa eleksiyon sa susunod na taon.

Nauna na ring tiniyak ni Duterte-Carpio na hindi siya maghahain ng certificate of candidacy bilang substitution candidate ng kanyang ama na tatakbo namang bise presidente ng bansa.

Nais umano ni Du­terte-Carpio na manati­ling “wild and free.”

Kung muling mananalong mayor si Duterte-Carpio sa 2022 elections, ito na ang ikatlo at pinal niyang termino bilang mayor ng Davao City.

Inihayag naman ni Deputy Speaker Bernadette Herrera, spokesperson ng Hugpong Para Kay Sara (HPS), hindi pa pinal ang desisyon ni Mayor Sara na tumakbo na lamang sa reelection sa kanilang lungsod hanggang hindi pa sumasapit ang Oktubre 7.

Sinabi ni Herrera na patuloy na kukumbinsihin ng Citizens Movement si Mayor Sara na kumandidatong Pangulo dahilan ito lamang ang nakikita nilang makakayang pagkaisahin ang administrasyon.- Joy Cantos

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with