^

Police Metro

P7.4 milyong shabu nasabat sa Clark

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clark International Airport ang nasa 1.1 kilong shabu na nagkakahalaga ng P7,480,000.

Sinabi ni Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero, una silang nakatanggap ng impormasyon sa kanilang mga asset ukol sa pagda­ting ng isang shipment mula sa Lilingwe, Malawi na naglalaman ng iligal na droga.

Hinarang ng BOC katuwang ang PDEA ang kargamento na naglalaman ng dalawang unit ng Electric Air Pot Flask, ngunit nakasiksik sa loob ng mga ito ang limang pakete na naglalaman ng pu­ting pulbos at nakumpirma na shabu nang isailalim sa laboratory analysis. 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang mabatid kung sino ang dapat padadalhan ng naturang kontrabando, nasa kustodiya na ng PDEA.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with