^

Police Metro

114 katao sa kumbento tinamaan ng COVID-19

Angie dela Cruz - Pang-masa
114 katao sa kumbento tinamaan ng COVID-19
Artist's rendition of the coronavirus disease.
Image by PIRO4D from Pixabay

MANILA, Philippines — Nasa 114 indibidwal sa kumbento ng Religious of the Virgin Mary convent na matatagpuan sa 214 N. Domingo St.,Barangay Kaunlaran,New Manila Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19.

Kaya’t isinailalim na sa special concern lockdown ang nasabing kumbento ang 114 katao na ang 22 ay asymptomatic, 86 ay mild, 4 ay moderate at dalawa ay severe na ngayoy kinakalinga sa ICU ng infirmary.

Sinasabing maaaring nakuha umano ang virus mula sa isang driver o messenger ng kumbento na silang lumalabas para bumili ng pagkain at kumukuha ng mga dokumento.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasailalim sa swab test at iba pang mga nakatira sa naturang kumbento .

Magugunita na kamakailan ay una nang naka-lockdown ang isang bahay ampunan nang makumpirmang may 122 indibidwal dito ay nag- positibo sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with