Checkpoints tinanggal na sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Wala nang ilalagay na mga checkpoints sa National Capital Region matapos na ipatupad ang Alert Level 4, simula ngayon.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na mas pagtututukan ng mga pulis ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.
Anya, ang pagpapatupad ng granular lockdowns ay hindi bago sa kapulisan dahil sa 50 lugar sa ilalim ng Metro Manila ang nasa naturang restrictive measure.
Tiniyak din ni Eleazar na mapapaalalahanan ang sinumang indibiduwal na masisita dahil sa paglabag sa bagong guidelines.
Sa ilalim ng Alert Level 4, hindi pinapayagang lumabas ang 18 years old pababa at 65 years old pataas; may immunodeficiencies, comorbidities, health risks at buntis.
- Latest