^

PM Sports

Fajardo bumida sa Gilas vs Thais

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Fajardo bumida sa Gilas vs Thais
June Mar Fajardo stood tall for Gilas with a double-double of 28 points and 12 rebounds.
PSC photos

MANILA, Philippines — Umeskapo ang defending champion Gilas Pilipinas kontra Thailand, 76-73, para sa unang panalo nito sa 31st Southeast Asian Games 5-on-5 basketball kagabi sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Kumamada ng 28 pun­tos, 12 rebounds at da­lawang tapal si June Mar Fajardo upang giyahan ang dikit na tagum­pay ng Nationals kontra sa palabang karibal.

Sumuporta sa kanya si Thirdy Ravena na may 17 markers, anim na boards at tatlong assists habang may siyam din si Mo Tautuaa para sa Gilas, na umabante sa 1-0 kartada.

Nag-ambag din ng anim na puntos si RR Pogoy habang may limang puntos at siyam na assists si Kiefer Ravena para sa Gilas na tangkang masungkit ang ika-19 kabuuan at ika-14 sunod na gintong medalya.

Tinambakan ng Gilas ang Thailand noong 2019 SEA Games edition, 115-81, subalit ibang istorya ang nangyari ngayon ma­tapos pang maiwan sa 11-21 sa unang kanto.

Sa likod ni Fajardo, hu­mabol ang Gilas hanggang sa lumamang ng hang­gang 12 puntos.

Abante pa ito, 73-63, sa huling tatlong minuto bago pigilan ang rumaragasang comeback ng Thailand.

May tsansa pa sana ang Thailand na humirit ng overtime matapos ang split freethrows ni Kiefer Ravena sa huling anim na segundo pero sablay ang game-tying triple ni Nakorn Jaisanuk sa buzzer.

Huling nahirapan ang Gilas kontra sa karibal na Thailand noong 2017 Kuala Lumpur SEA Games, 81-74.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with