^

Pang Movies

Max at Pancho, hiwalay na naman ang pa-birthday sa anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Max at Pancho, hiwalay na naman ang pa-birthday sa anak
Max at Skye

Birthday na naman ng anak nina Max Collins at Pancho Magno na si Skye Anakin na two years old na. Pero, gaya sa first birthday ng bata, hindi na naman kasama nina Max at Skye si Pancho sa birthday party ng bata na ginanap sa Hotel Okura, Resorts World Manila.

Si Max lang at ang mga kaibigan ang nakasama nito gaya nina Rhian Ramos, Janina Manipol at Michelle Dee. May caption na “Not your average Titas of Manila” ang caption ni Max sa larawan.

Hintayin natin ang pa-birthday celebration naman ni Pancho para kay Skye at kung si Max, sa hotel ginagawa ang birthday party ng anak, si Pancho naman ay sa bahay nila.

Wala sinasabi ang mag-asawa kung ano ba talagang status ng relasyon nila pero alam na sa showbiz na hiwalay na sila.

Direk Lino, bumilib kay Heaven

Sina directors Shugo Praico at Philip King na partner ni direk Lino Cayetano sa film production na Rein Entertainment ang tinanong namin kung bakit ‘yun ang pangalan ng kanilang film company?

Ang sagot ng dalawa, ang Rein ay galing sa first letters ng mga anak nila nina direk Philip at direk Lino. Hindi na namin natanong ang eksaktong mga pangalan ng kani-kanilang mga anak.

Anyway, balik showbiz na nga si direk Lino, pero bilang producer muna at next year na niya babalikan ang pagdidirek.

Sa ngayon, sina direk Shugo at direk Philip muna ang magdidirek, kabilang dito ang Nananahimik ang Gabi, ang next movie ng Rein Entertainment starring Ian Veneracion at Heaven Peralejo.

Bago magtapos ang July ang simula ng shooting ng movie na ang nadinig namin ay sa Tagaytay ang location.

Sabi ng tatlong directors, sila ang namili ng cast at pumili kay Heaven at Ian at kung bakit si Heaven, “dahil sa kabuuan niya. We were so impressed with her sa three days we spent with them,” sagot ni direk Shugo.

Kapag napanood na raw ang Nananahimik ang Gabi, malalaman na bagay kay Hea­ven at kay Ian na rin ang karakter na kanilang ginagampanan. Gusto rin ng Rein Entertainment na sa mga sinehan ipalabas ang pelikula pero wala pa silang target playdate.

Nabanggit ni direk Lino na may partnership sila sa ABS-CBN sa Nananahimik ang Gabi dahil ABS-CBN star si Heaven. Pero, open sila makipag-collab with other film companies and other networks.

Jeric, pinaghahandaan ang pagbalik sa IG

Hindi naman pala si Rabiya Mateo at ang breakup nila ang rason kung bakit dinelete ni Jeric Gonzales ang post niya sa Instagram at nakalagay sa “No Post Yet” ang status ng kanyang IG.

Nilinis daw ng manager ng actor sa Sparkle GMA Artist ang kanyang IG, aayusin at ibabalik din.

Mas pagagandahin daw ni Jeric at ng kanyang manager ang kanyang IG at inihahanda na nga ang photos na ipo-post. Hindi namin natanong kung isasama pa rin nito ang photos ni Rabiya sa IG kapag open at active na uli.

Saka, hindi naman daw napag-iiwanan ni Rabiya si Jeric pagdating sa project sa GMA 7 dahil ginagawa ng actor ang Start-Up. Maganda na ang role, kasama pa niya sina Alden Richards at Bea Alonzo at mapapansin daw ang aktor sa kanyang pagganap sa ibinigay na role sa kanya.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with