^

Pang Movies

Direk Quark, nagbabu na sa ‘Pinas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi namin nabasa na may sinabi si Quark Henares na kapag nanalo si President Bongbong Marcos, aalis sila ng kanyang pamilya sa Pilipinas at sa ibang bansa na maninirahan.

Pero, nauna na silang umalis ng kanyang misis para sa Singapore na manirahan.

Habang nasa NAIA, nag-post si Quark ng “Pilipinas we love you, but you’re breaking our hearts. Bye for now,” last week.

Sa mga nabasa naming sagot nito sa mga tanong, mukhang magtatagal silang maninirahan sa Singapore at sa nag-comment na ‘til you come back on 6 years na sinagot ni Quark ng “or 12. Or 18. Or 24.” 

Sa nagtanong kung bakasyon lang ba sila sa Singapore, ang sagot ni Quark, “Matagal po.”

Sa nag-comment na “Bye Quark see you after 6 years enjoy and take care INGAT.” Sumagot si Quark ng “Enjoy the water shortages, inflation and intermittent blackouts. Simula pa lang yan, yeheyy.”

Bandang huli dahil may mga nang-aasar,  sabi ni Quark, “Dear trolls, Panalo na kayo ok ba’t pa kayo nanggugulo tang*na hahaha.”

May mga nagpahayag din na kung kaya lang nila, gagayahin nila si Quark na umalis ng bansa at manirahan sa ibang bansa.

May naniniwala namang babalik din sina Quark kapag nakapag-move on na ito sa pagkatalo ni Leni Robredo.

Pinakita ang tummy...

Sixteen weeks pregnant si Solenn Heussaff sa second baby nina ng asawang si Nico Bolzico.

Ibinalita ito ni Solenn, by posting in her Instagram story of her picture, showing her tummy na hindi pa obvious ang baby bump. May nakasulat sa photo na “Hello 16 weeks” at “Back to daily injections for bub number 2:)”

Robin, umarte ulit

May cameo role si Sen. Robin Padilla sa Viva Films movie na Maid in Malaca?ang  at sa eksena, naka-suot siya ng military uniform.

Walang sinabi si direk Darryl Yap kung ano ang role ni Robin sa movie, ang comment ng netizens, ginagampanan nito ang role ni Gringo Honasan na isa sa key player sa 1986 EDSA Revolution.

Sa mga inilabas na photos ni direk Darryl, kasama ni Robin sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gumaganap sa role nina President Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Marcos respectively.

Ngayon lang uli gagawa ng pelikula si Robin.

Mond, hinihintay iuwi sa ‘Pinas ang jowa

Ang “When do I meet him” na tanong ni Isabelle Daza kay Mond Gutierrez sa post ni Mond ng photo nila ng boyfriend na si Rob William.

Wala pang sagot si Mond sa tanong ni Isabelle at tanong din ng marami niyang friends kung kailan nima mami-meet ang boyfriend ni Mond na isang lawyer.

Pinusuan na naman ng followers ang nasabing post at masaya sila para kay Mond na sabi nga ni Ruffa Gutierez, may love life na. Siguradong gusto rin siyang ma-meet ng parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at iba pang siblings nito.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with