^

Pang Movies

Dennis, inakusahang ginagamit ang mga anak para makakuha ng simpatiya

Gorgy Rula - Pang-masa
Dennis, inakusahang ginagamit ang mga anak para makakuha ng simpatiya
Leon Barretto

MANILA, Philippines — Pagkatapos mag-emote ni Dennis Padilla sa kanyang Instagram na hindi man lang siya nabati ng mga anak niya kay Marjorie Barretto nung Father’s Day, si Leon Barretto na ang nagsalita sa pamamagitan ng open letter para sa kanilang ama na ipinost sa kanyang Instagram account.

Nag-sorry siya na hindi raw nila binati si Dennis nung Father’s Day dahil medyo naaasiwa pa raw siya kung saan nila ilulugar ang kanilang sarili taun-taon.

“I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dad’s a ‘Happy Father’s Day.”

Sa loob ng 10 taon, nahihirapan daw silang buuin ang tulay na nag-uugnay sa kanilang mag-ama na pa­tuloy raw na sinisira ng kanilang ama tuwing nagpapa-interview daw ito o nagpu-post sa social media.

Sabi pa ni Leon, “Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?

“Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?

“Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father?

“It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us.

“Is public sympathy really more important to you than your own children? Your words have the power to destroy your children, papa.”

Siya na lang ang mag-isang lalaki sa kanilang magkakapatid, kaya siya na raw ang magbibigay proteksyon sa kanyang mga kapatid na babae.

Pakiusap ni Leon sa kanyang ama, “I need you to know that I want nothing else but to move forward in the safest and healthiest manner possible. I want peace, papa. Can you please stop resorting to public shaming when things don’t go your way?

“I long for the day when I can greet you a ‘Happy Father’s Day’ and know that it comes from a place of gratitude and healing.”

Magkakasunod ang mga post ni Dennis na nagpaparamdam sa kanyang mga anak.

Ipinost pa niya ang kuha ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice na kayakap ang kanilang amang si Yilmaz Bektas.

Hindi rin maganda ang mga komentong natatanggap niya sa netizens na ginagamit lang daw niya ang mga anak niya para makakuha ng simpatiya sa publiko.

As of presstime, wala pang sagot si Dennis sa open letter na ipinost ni Leon Barretto.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with