^

Pang Movies

Pero open na ulit sa manliligaw Kylie, maraming checklist bago ulit makipagrelasyon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pero open na ulit sa manliligaw Kylie, maraming checklist bago ulit makipagrelasyon

Handa na uli si Kylie Padilla na mag-lovelife.

Nang tanungin siya kahapon sa media conference ng comeback teleserye niya sa GMA 7 na Bolera, ok siya sa idea na tumanggap ng manliligaw. “Open na naman ako. Ok na ako. Pero marami na akong checklist. Marami na silang dadaanan,” umpisa niya.

“Hindi ko alam kung sino ang tatagal kasi ang mga anak ko muna, ako, tapos trabaho ko, for fourth or fifth na sila. Papayag ba sila sa ganun?,” dagdag niyang sagot na parang kinikilig na.

Pero aniya hindi siya nagmamadali : “Depende depende kung may mahanap akong ganun.  Di naman ako nagmamadali.”

Hindi na pinag-uusapan ang possible reconcilation sa kanila ng ex husband na si Aljur Abrenica.

May dalawa silang anak - sina Alas Joaquin and Axl Romeo.

Samantala, sinabi niyang hindi pa sila nakakapag-usap ng ama niyang si Senator Robin Padilla since manalo at ideklara itong number 1 senator sa natapos na senatorial race.

“Hindi pa kami nakakapag-usap, pero feeling ko automatic na ‘yun na kailangang mag-behave muna. ‘Yun lang, hindi pa kami nakakapag-usap,” pahayag niya kung anong nararamdaman ngayong anak na siya ng number 1 senator sa nakalipas na election.

In any case, nagpapasalamat naman si Kylie sa GMA 7 dahil nakabalik siya. “I didn’t think makakabalik ako. Thank you. I’m so grateful,” pag-amin niya.

At aminado siyang nagamit niya ang skills niya sa martial arts dito sa Bolera.

Nagsilbi niyang coaches sa billiards sina Rubilen “Bingkay” Amit at Johann “Bad Koi” Chua na kapwa manalo ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.

At proud na proud siya na naisabay ng mga ito ang ­taping at training nila. “Kasi they became my friends. So ngayon, ‘Oo nga’ parang na-remind ako ulit na ‘Oh my God astig pala ‘tong mga ito talaga.’ It’s really cool to have friends like that,” sabi pa niya sa isang interview pagkatapos ng mga itong magwagi.

“I’m just so proud of them kasi nakita ko lalo na si Johann nagte-taping kami, nagte-training siya at the same time kasi pinaghahandaan niya ‘yung laban n’ya. And tingnan n’yo nag-gold s’ya, I’m so proud of it.”

Si Rubilen nga ang script consultant ng nasabing sports drama series habang si Johann naman ang naging coach ni Kylie.

So after this ba, tutuloy niya pa ang paglalaro ng bilyar?

“Isang yes, lalo na ang dami ko palang kaibigan na nagbibilyar. So after nilang malaman na marunong na ako, ‘yun na ang dahilan para ayaain nila akong lumabas kasi hindi talaga ako lumalabas.

“Ngayon ‘tara bilyar tayo.’

“So for sure oo ako dun, kasi nae-enjoy ko na siya. Something na masayang gawin kasama ang mga kaibigan.”

Walang alam sa billiards ang actress nang tanggapin niya ang show kaya medyo kinabahan daw siya. “Medyo kinabahan ako pero alam ko kasi na ang importante rito is ‘yung form talaga, iyon ang ikokorek ko,” sabi niya.

Hanggang na-in love na siya sa game lalo na nga at marami raw silang oras na mag-practice habang nasa taping.

Nabanggit din niyang magaling maglaro ng billiards ang dalawa niyang co-stars na sina Jak Roberto at Rayver Cruz.

Bukod sa dalawang gold medalist sa SEA Games, nakasama rin niya sa sports serye ang mga legend sa larong bilyar, sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante.

Mag-uumpisang mapanood ang Bolera sa May 30.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with