^

Pang Movies

Kris, nangakong kakayanin kahit hirap na hirap na sa kanyang sakit   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Pagkatapos ng halos dalawang buwan ay nag-post si Kris Aquino sa kanyang Instagram para magbigay ng update tungkol sa kanyang kalusugan. Dito ay inamin niyang hindi na talaga maganda ang kanyang kundisyon at inisa-isa niya ang kanyang sakit.

Sa video na ipinost ni Kris ay makikita talagang hirap na hirap na siya especially sa mga itinuturok sa kanya na sobrang sakit daw. Pero hindi raw siya nagrereklamo at lalabanan daw niya ang kanyang sakit till the very end.

Nakalulungkot makita si Kris in that condition pero hahangaan mo naman talaga ang katatagan niya. Napakabigat ng kanyang pinagdaraanan at saludo kami talaga sa kanya na kinakaya niya ito alang-alang na rin sa kanyang 2 anak.

“Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.

“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH.

“Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the - meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.

“My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids,” ang pahayag ni Kris.

Sa huli ay nakiusap ang TV host/actress sa mga netizen na alang-alang sa kanyang 2 anak ay huwag na sanang mag-comment ng masasakit.

“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.

“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao? please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan,” pagtatapos ng post ni Kris.

Sinabi naman ng TV host/actress sa video na ngayong May 19 na ang alis nila patungong US para magpagamot.

“I’m going to fight, to stay alive,” she said.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with