^

Pang Movies

Maine, hinihirit na gawan ng serye kasama si Alden

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tsika pa lang na gagawa si Maine Mendoza ng show sa GMA-7, natuwa na ang Aldub fans nila ni Alden Richards. Ang wish nila, sana matuloy dahil nami-miss nilang mapanood sa isang serye sa GMA si Maine.

Ang isa pang wish ng Aldub fans, sana si Alden ang makasama ni Maine sa gagawin niyang show para mas lalo raw silang matuwa. May mga nag-comment naman na kundi rin lang si Alden ang makakapareha ni Maine, ‘wag na lang ituloy ang gagawin nitong series.

Hindi ba dapat kahit sinong ipareha kay Maine ay suportahan ng Aldub para kapag maganda ang ratings ng show ay muli ngang pagtambalin sina Maine at Alden.

Saka, kita naman sa Daddy’s Gurl  na kaya ni Maine kahit hindi si Alden ang kanyang partner. Ang cute kaya nila ni Yasser Marta at hintayin ninyo kapag nagkaroon ng make-over ang karakter ni Yasser, ibabalandra nito ang kanyang abs.

Alfia, maraming likers sa Tiktok

Malakas sa TikTok ang tambalan nina Sofia Pablo at Allen Ansay at lahat ng TikTok na kanilang gawin, inaabot ng millions ang views at likes. Gaya na lang ng latest TikTok ng dalawa na may 8.4M views at 1.3M likes na and counting.

Kinikilig ang AlFia fans sa kanila at hinihintay nilang dumating sa right age si Sofia para raw maligawan na ni Allen na inaaming crush niya si Sofia. Bawal pa lang ligawan dahil 15 years old pa lang.

Anyway, sa Monday, simula na ng airing ng fresh episodes ng Book 2 ng Pria Donnas,  mapapanood na ng kanilang fans sina Donna Lyn (Sofia) at Fonzie (Allen). First series ito ng magka-love team.

Yorme, nasa streaming platform na

 Nagsimula na kahapon ang streaming ng biopic ni Manila City Mayor Isko Moreno na Yorme: The Isko Moreno Story at streaming sa KTX PH, Upstream, iWantTFC, TFC, IPTV, at Vivamax Plus for only P299.

Naalala namin, last December ang original playdate ng Yorme,  pero ipinalipat ni Isko ng ibang date para raw mas maraming bata ang makapanood. Mukhang nagkamali ng tantiya si Isko dahil isinara na naman ang mga sinehan dahil sa Omicron.

On the other hand, kung itinuloy ang showing ng Yorme  last December, marami kaya ang nanood?

But at least, sa mga sinehan ipinalabas, hindi via streaming. Ang kaigihan lang, worldwide mapapanood ang pelikula.

Sina Raiko Mateo, McCoy de Leon at Xian Lim ang gumanap na bata, teenager at adult Isko. Si Janno Gibbs bilang si German Moreno at tampok dito ang 15 original compositions ni Joven Tan na siya ring sumulat ng script at director.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with