^

Pang Movies

Solenn, preggy na sa second baby?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Solenn, preggy na sa second baby?!

Dahil sa caption ni Solenn Heussaff sa pinost niyang photo nila ng anak na si Tili na “Fun days with you. Love this leotard from @bumpsuit, so easy to wear and also stretches if you get preggo!” may followers siyang nag-isip na preggy si Solenn sa second baby nila ni Nico Bolzico.

Subtle lang daw ang announcement ni Solenn at nag-focus ang followers niya sa word na “preggo” at “bumpsuit.” May ilang hindi nakatiis at nag-comment na preggy si Solenn at masaya dahil magiging ate na raw si Tili.

Ang iba, nag-congratulate na kay Solenn at wish nilang, baby boy naman ang second baby nila ni Nico para may baby brother daw si Tili at hindi na raw ito mag-isa na maglalaro.

Hindi pa yata nababasa ni Solenn ang comments ng kanyang followers na nag-assume na pregnant siya with her second baby dahil wala pa siyang reaction. Sana nga, preggy na siya para may makakausap na rin si Tili in French, Spanish, and English at baka marunong din itong magsalita ng Tagalog.

Sharon, tuloy ang pagse-senti!

Hindi nito maba-bash si Sharon Cuneta at akusahang may pinapaboran sa kanyang mga anak dahil pare-pareho niyang pinost ang baby pictures Nina KC, Frankie, at Miel. Kung maghahanap pa rin ng isyu ang bashers ni Mega, ‘yung number ng photos ni Frankie na lang ang puwede nilang gamiting isyu.

Si Frankie kasi, tatlong larawan ang pinost ni Sharon at tig-dalawa lang sina KC at Miel.

Ang pagpo-post ni Sharon ng baby pictures ng mga anak ay tila kasama sa kanyang ‘senti’ mood kung saan, nag-post siya ng old photos ng kanyang pamilya. Photos ng mom niya at sister nitong si Helen Gamboa at photo na kasama niya sina Fernando Poe Jr., Rudy Fernandez, Robin Padilla, at Sen. Bong Revilla.

Ang ganda ng caption ni Sharon sa litrato niya with FPJ, Daboy, Robin, at Bong na “A photo that can ne­ver happen again. I miss you, Klatput and Daboy. What a privilege it is to have been these superstars” leading lady. Si @cocomartin_ph na lang ang kulang!”

Michelle Dee, sasali sa Miss Universe PH

Wala pa ang screening ng Miss Universe Philippines, pero may mga pangalan na kaming nabasa na sasali sa nasabing pageant this year. Karamihan sa kanila, sumali sa Miss Universe Philippines last year at ang iba, winner sa ibang beauty pageant.

Kabilang sa sinasabing sasali sa Miss Universe Philippines this year ay si Ahtisa Manalo na first runner-up sa Miss International 2018. Gusto ng supporters nito na manalo siyang Miss Universe Philippines at Miss Universe, kaya ang pakiusap sa boyfriend ng dalaga, ‘wag muna silangpakakasal at lalong ‘wag buntisin si Ahtisa dahil magiging Miss Univere pa raw ito.

Isa pang sinasabing sasali in this year’s Miss Universe Philippines ay ang Kapuso star na si Michelle Dee. Nanalong 2019 Miss World Philippines si Michelle at susubukan namang sumali sa Miss Universe Philippines.

Tamang-tama at wala pang kasunod na project si Michelle sa I Left My Heart in Sorsogon, kaya magpaka-beauty queen muna siya.

Sa April 2022 daw ang grand coronation ng Miss Universe Philippines na ngayon pa lang, inaabangan na ang winners.

Christian, kapuso na

Freelancer pala si Christian Bables at hindi exclusive ang contract sa ABS-CBN at kung may kontrata man, baka pero program lang. Kaya namin ito nasabi dahil mapapanod siya sa GMA 7, sa episode ng Regal Studio Presents: My Boyfriend’s Romance. Sa Sunday na, Jan. 23, ang airing nito.

Kasama ni Christian sa episode sina Faith Da Silva, at Carlo San Juan at parang love triangle at bromance pa ang tema nito.

Naalala namin noong kapapanalo ni Christian ng award at in-offeran daw ng shows ng GMA 7. May hindi lang napagkasunduan ang management nito at ang Kapuso Network, kaya hindi natuloy maging Kapuso. Ngayon, lalabas siya sa GMA sa show na collaboration ng GMA at Regal Entertainment.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with