^

Pang Movies

KathNiel, hindi natatalbugan!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
KathNiel, hindi natatalbugan!           

Mahirap na mag-“branding” ng stars, na sasabihin mo na may baguhang na papalit na sa isang sikat na star pagdating ng araw. Hindi talaga nakakatulong dahil masyadong tumataas ang expectations ng mga tao, at papaano kung hindi makakuha ng ganun kalaking support?

Ilan nga ba ang sinabi nila noong araw na makakapalit ni Nora Aunor? Ilan din ang sinabi nilang kapalit ni Vilma Santos.
Pero tingnan ninyo, hanggang ngayon ay nariyan pa sina Nora at Vilma pero naglaho nang lahat ang mga sinasabing kapalit nila.

Nabanggit lang namin ito dahil sa aming narinig na naman na may love team daw na bago na puwedeng kapalit ng KathNiel pagdating ng araw.

Ibig bang sabihin, ang pelikula ay kikita rin nang halos isang bilyon kagaya ng KathNiel? Napakataas naman yatang ambisyon iyan lalo na’t kung iisipin na nariyan pa ang KathNiel, at mukhang malabo pang makahanap ng katapat. Tinapatan sila noong JaDine, walang nangyari.
Tinapatan din ng AlDub at akala namin matatalo na pero nasaan sila ngayon? Wala na rin ang love team.

Tapos may dalawang baguhang wala pa namang pruweba sasabihin ninyong kapalit ng KathNiel?

Magising nga kayo sa katotohanang, KathNeil is KathNiel, malabo silang mapalitan sa trono.

Male star, todo shopping kasama ang bading

Natawa na lang ang ilang movie writers na magkakasama, dahil talaga raw nasasalubong na nila sa isang upscale mall ang isang male star. Pero nang makita sila, biglang umiba ng daan para hindi sila masalubong, ang suspetsa nila, “natakot siguro baka mahingan siya ng Christmas gift.”

Pero mali sila ng palagay. Ang totoo kaya umiwas sa kanila ang male star ay dahil kasama nito ang isang rich gay benefactor, at natakot ang male star na makilala nila iyon.
Kaya naman namin nalaman, on the same day, nakita rin namin ang male star sa mall ding iyon, sa loob ng isang upscale shop na kasama ang kanyang gay benefactor at nagsusukat nga siya ng damit.

Tumitingin ng mga coat na branded para gamitin siguro niya sa TV shows. Kasama niya ang benefactor dahil iyon ang magbabayad ng kanyang pinamili.

Pagkatapos niyang mamili at magsukat, bitbit lahat iyon ng kanyang PA at dinala sa cashier kung saan naghihintay na ang benefactor para magbayad.

Simple lang hindi ba? At iyon ang dahilan kung bakit umiwas siya sa mga kasalubong.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with