^

Pang Movies

Bea, level up sa pagiging farmer!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bea, level up sa pagiging farmer!            

Kinakarir talaga ni Bea Alonzo ang kanyang farm sa Zambales na mina-manage ng kanyang ina at kapatid. Bukod kasi sa umaani na ng pananim ang farm, recently ay bumili na ng traktora ang aktres para mas madali ang trabaho.

Sa kanyang Instagram ay ipinost ni Bea ang larawan ng brand-new tractor na kanyang binili.

“One of the things I realized as a farm owner is that tractors are a good investment. A lot of work comes with managing a farm, and it is essential to have reliable equipment that can handle multiple tasks and increase productivity.

“And that’s why I’m glad kasi we already invested in one!,” ang caption ni Bea.

Sa comment section ay hindi nga mapigilang mag-react ni Angel Locsin. Komento niya, “Yaman” with smiley.

Sagot naman ni Bea, “sana kasing yaman mo!”

Sa kanyang latest vlog sa YouTube ay ipinakita niya ang first time na pagmamaneho niya ng traktora. Nag-enjoy rin siya sa pag-harvest ng mga gulay na kanilang pananim.

Kapag walang showbiz commitments si Bea ay pumupunta siya sa kanilang farm at talaga namang enjoy na enjoy siya sa pagiging farm girl. One time ay ipinakita rin nga niya ang pagpapakain niya ng feeds sa kanilang mga baka.

Niregaluhan ang sarili ng promise ring

Binigyan ni Angelica Panganiban ng bonggang birthday gift ang kanyang sarili at ibinahagi niya ito sa kanyang IG.

Ayon sa aktres, gusto niya ng simple pero pangmatagalan na birthday gift for herself kaya ang binili niya ay promise ring bilang pangako na mamahalin at aalagaan ang kanyang sarili.

Sa larawang ipinost ay makikitang suot ng aktres ang singsing.

“Gifting yourself is a way of self-love. Matagal akong nag isip ng perfect gift for myself para sa birthday ko. Gusto ko ng simple, pang matagalan, pero hindi naman masyadong masakit sa bulsa.

“So, i gave myself a promise ring. A promise to always look after myself. To keep doing better, to understand and to love more. To be more patient with myself. And to listen to my body, my mind and my heart.

“Masaya naman ako sa desisyon ko so kung naghahanap kayo ng pang malakasan na regalo sa darating na pasko, pwede ko pagaanin ang agam agam ninyo,” caption ni Angelica.

Komento naman ng kanyang mga fans, sana raw next time ay engagement ring na ang makitang suot niya.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with