^

Pang Movies

Aktres may pasabog... Jennylyn at Dennis, ikakasal na?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Aktres may pasabog... Jennylyn at Dennis, ikakasal na?!

True ba na pakakasal na rin very soon sina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado? Ayon sa source, matagal-tagal na raw itong pinag-uusapan ng magkarelasyon pero hindi nga lang daw masyadong makuwento si Dennis. More than six years na rin naman daw kasi ang relasyon nila.

Nauna nang inamin ni Dennis na mas naging malalim ang relasyon nila ng actress ngayong pandemya.

Kung sabagay, tatay na tatay na rin naman talaga si Dennis sa anak ni Jennylyn. Noong walang pandemic, sa tuwing may event sa school ang anak ni Jennylyn (si Patrick Garcia ang real father) si Dennis na ang andun at kasa-kasama ni Jennylyn sa pinapasukan nitong eskuwelahan.

Anyway, burado na ang post ni Dennis days ago kung saan may nakita si Jennylyn sa inorder ni Dennis na pagkain na dalawang piraso ng bubog. Walang binanggit na pangalan ng restaurant or online seller si Dennis or Jennylyn.

Madalas daw kasing magpa-deliver ng food si Dennis sa taping ni Jennylyn ng Love. Die. Repeat na ngayon ay naka-break.

Leading man ng actress dito si Xian Lim na first project ng actor sa GMA 7.

Pero ito ang main chika, may pasabog daw si Jennylyn bago maganap ang kanilang kasalan.

Awww. Abangan, happy news daw ito!?

Willie at Raffy, ‘di na tuloy sa 2022!

Si Rabiya Mateo pala ang bagong ‘babae’ ni Sen. Ramon Revilla sa Book 2 ng Agimat Ng Agila na mag-uumpisa na diumanong mag-lock-in taping anytime.

Pero andun pa rin naman daw si Sanya Lopez ayon sa source ng Take It… Per Minute, Me Ganun.

Aside from Rabiya, sinasabi ring makakasama sa Agimat... si Maja Salvador.

Wow, bongga si Sen. Bong. Sino nga ba?

Samantala, si Christopher de Leon ang papalit kay Ian Veneracion sa tele­seryeng Huwag Kang Mangamba ng Kapamilya channel.

Health reason din pala ang rason kaya umatras si Ian sa nasabing teleserye.

Samantala, pinag-usapan din sa TIPMMG kahapon ang mga kakandidatong celebrity sa 2022. True ba na hindi na tutuloy si Mr. Raffy Tulfo? Kahit daw senador, hindi na ito tutuloy matapos nga magkaroon ng ‘miscommunication’ sa DDS kahit nagpaliwanag si Mr. Raffy na hindi niya puwedeng kalabanin si Pres. Digong. Maging si Willie Revillame ay malabo na rin daw talaga.

Ang dalawang bilyonaryong personality ang kasama sa mga mataas sa mga survey para sa 2022 elections.

Napapanood sa Facebook page at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON at FB page ng Pang Masa ang Take It, Per Minute... Me Ganun hosted by Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with